May 22, 2026

Home BALITA

VP Sara, kinontra si Madriaga; nakatapos ng law school sa sariling sikap

VP Sara, kinontra si Madriaga; nakatapos ng law school sa sariling sikap
Photo Courtesy: MB File Photo

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag ng nagpakilala noong “bagman” at “aide” niyang si Ramil Madriaga kaugnay sa pagiging estudyante niya sa law school.

Matatandaang sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Justice noong Abril 14, sinabi ni Madriaga na bopols at bayolente umano si VP Sara noong nag-aaral pa lang ng abogasya.

Bukod dito, binanggit din niyang nakapasa lang umano ang Bise dahil sa impluwensiya ng propesor nito at dating Associate Dean ng San Sebastian College (SSC)-Law na si Atty. Ryan Quilala.

Maki-Balita: VP Sara, nakapasa lang sa law school dahil sa impluwensya—Madriaga

Kaya sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Miyerkules, Abril 15, pinabulaanan niya ang mga sinabing ito ni Madriaga laban sa kaniya.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

“I completed my studies on my own terms. I placed a higher premium on living a well-rounded life rather than pursuing academic excellence,” saad ni VP Sara.

Dagdag pa niya, “I never asked any professor for special accommodation for my grades because the bare minimum was easy enough to meet.”

Itinanggi rin ng Bise na nasangkot siya sa anomang pambabastos o pananakit laban sa ibang estudyante habang nag-aaral.

Aniya, “I was never the subject of any complaint for rudeness or violence against other students at SSC-R College of Law.”