May 21, 2026

Home BALITA

VP Sara, nakapasa lang sa law school dahil sa impluwensya—Madriaga

VP Sara, nakapasa lang sa law school dahil sa impluwensya—Madriaga
Photo Courtesy: MB File Photo

Isiniwalat ng nagpakilalang “bagman” at “aide” noon ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga ang tila kaduda-dudang pagpasa umano ng dating amo niya sa law school noon.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Martes, Abril 14, 2026, sinabi ni Madriaga na nagkaroon umano siya ng pagkakataon na mapalapit sa dating Associate Dean ng San Sebastian College (SSC)-Law at propesor noon ni VP Sara na si Atty. Ryan Quilala.

Aniya, "He shared with me that Sara was not particularly good in school, was often struggling with her academics, and habitually rude and violent to other students.”

Kaya naman ginamit umano ni Atty. Ryan ang impluwensiya nito sa SSC-Law upang matiyak na makakatanggap ng pasadong grado si VP Sara.

"Atty. Ryan used his influence in SSC-Law to ensure that Sara received passing grades despite her poor academic performance,” saad ni Madriaga.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Ayon kay Madriaga, nakilala umano niya si Atty. Quilala noong itatag ang Initiative for Social Justice, Innovation, and Progress Pilipinas (ISIP) Inc.

Samantala, wala pa namanng reaksiyon o pahayag ang Bise Presidente hinggil sa ibinunyag na ito ni Madriaga.