May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Disney, nakatakdang ilabas sign language version ng ilan sa kanilang hit songs

Disney, nakatakdang ilabas sign language version ng ilan sa kanilang hit songs
Photo courtesy: Disney (website)

Nakatakdang ilabas ng Walt Disney Animation Studios ang sign language version ng ilan sa kanilang hit songs upang mas makakonekta sa kanilang audience na parte ng deaf community. 

Batay sa pahayag ng Disney Animation, sa direksyon ng beteranong Disney animator at director na si Hyrum Osmond, ang featured songs sa bersyong ito ay ang “The Next Right Thing” mula sa Frozen 2; “We Don’t Talk About Bruno” mula sa Encanto; at “Beyond” mula sa Moana 2. 

Ang proyektong ito ay nakatakdang ilabas sa darating na Lunes, Abril 27, bilang komemorasyon sa National Deaf History Month. 

Ibinahagi ni Osmond sa nasabing pahayag na dahil ang ama niyang kabilang din sa deaf community, layon niyang ipakita sa proyektong ito na una, ang sign language ay isa sa mga magagandang paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa sa mundo. 

“One, sign language is one of the most beautiful ways of communication on Earth. If ever there was a medium to showcase sign language, it was animation,” saad ni Osmond. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Pangalawa sa mga rason, ay upang magkaroon ng koneksyon sa kanilang audience na nasa deaf community. 

Bilang pagbabalik-tanaw, ibinahagi rin ni Osmond na dahil lumaki siyang hindi natuto ng sign language, ang pagsubok na ito ay nagsilbing balakid upang magkaroon ng koneksyon sa kaniyang ama. 

"The other big reason for doing this project is to connect with the Deaf community. Growing up, I never learned sign language, and that barrier prevented me from really connecting with my dad,” saad ni Osmond. 

Kaya sa pamamagitan ng reimagined Disney Animation musical numbers na ito, layon niyang mawala ang mga kaparehang balakid at magkaroon ng espesyal na paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa deaf community. 

“This reimagining of Disney Animation musical numbers helps bring down barriers and allows us to connect in a special way with our audiences in the Deaf community. I’m grateful that the Studio got behind making something so impactful,” saad ni Osmond.