Taon-taon, tuwing Abril 23, ipinagdiriwang ang selebrasyon ng “National Lover’s Day” ng mga taong may katuwang at umiibig. Basta’t nagmamahal sa anomang paraan.
Dahil ‘ika nga, likas sa pagiging tao ang bumuo ng relasyon sa kapuwa sa hangaring maging buo o maging masaya at umiral sa mundong ibabaw.
Ngunit may samu't saring uri ng umiibig. Ayon nga sa sinabi ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee sa librong niyang “Para Kay B,” may quota raw ang pag-ibig.
“Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman,” aniya.
Ngunit hindi ba’t karamihan naman sa mga taong nagmamahal ang nagnanais na sana ay maging maligaya sila habang umiibig?
Para maisakatuparan ito, pilit at pilit na mahahantong ang isang indibidwal sa mga mahihirap na sitwasyon at malagay sa pagpili ng desisyon kung patuloy pa rin ba silang magmamahal sa kabila ng pait at sakit na kaakibat ng pakikipagrelasyon.
Sa kabila ito, hindi rin naman laging mga pasakit at pagdurusa ang maaaring ibigay ng pag-ibig sa mga taong nagmamahal. Minsan, kung papalarin, maaari rin itong maging daan upang makamtan mo ang mga positibong benepisyo para sa iyong sarili at sa kapuwa mo iniibig.
Ano nga ba ang mga maaaring benepisyong matanggap ng isang tao kapag nahanap na nila ang isang wasto at mabuting romantikong pakikipagrelasyon?
LESS STRESS
Ayon sa isang pag-aaral, maaari raw mabawasan ang labis na pagka-stress o pag-iisip ng isang tao sa mga bagay-bagay kung nasa loob siya ng isang mabuti o “healthy” na relasyon.
Anila, may mga ebidensya rin daw na nagpapatunay na mas masaya ang mga magkarelasyon na magkasamang naninirahan sa isang bubong kumpara sa mga magkalayo.
“Being in a committed relationship is linked to less production of cortisol, a stress hormone. This suggests that paired people are less responsive to psychological stress, and that the social and emotional support that comes with having a partner can be a great buffer against stress. There's even evidence to suggest that couples who cohabitate are happier than those that don't,” pagsisimula nila.
BETTER HEALING
Saad nila, mahalaga rin daw ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa panahong dumaraan ang isang tao sa aktuwal na pagpapagaling ng kaniyang sarili.
Halimbawa, may isang taong sumailalim sa operasyon, nariyan ang kaniyang karelasyon upang magpaalala sa mahahalagang bagay na kailangan niyang gawin upang gumaling at makarecover nang mas mabilis.
Diin nila, pinatutunayan daw ng mga pag-aaral na mas mabilis na maka-survive ang isang pasyenteng sumailalim sa operasyon at may karelasyon kumpara sa mga “single” na pasyente.
“Whether it's having someone there to remind you to take your medicine or having a partner to help take your mind off the pain, research suggests long-term partners who have undergone heart surgery are three times more likely to survive the first three months after surgery than single patients.”
“Long-term partners also reported feeling more confident about their ability to handle post-surgery pain and were less worried about the surgery in general. A little emotional support can go a long way toward helping a person recover from a procedure or illness,” ika nila.
HEALTHIER BEHAVIOURS
Anila, nakakatulong din daw sa isang indibidwal na may healthy relationship ang magkaroon ng malusog na uri ng pamumuhay. Lalo na raw kung may asawa, kaibigan, o espesyal na tao ang isang indibidwal na manghihikayat sa kaniyang mag-healthy diet, ehersisyo, huwag manigarilyo, at iba pa.
“Healthy relationships set the perfect tone for an overall healthy lifestyle. If your spouse, friends or other loved ones encourage eating a healthy diet, exercising, not smoking, etc., you're likely to follow in their footsteps. It's a lot easier to take on healthy behaviors when you surround yourself with people who are doing the same,” diin nila.
GREAT SENSE OF PURPOSE
Pagpapatuloy pa sa nasabing pag-aaral, tinutulungan daw ng pagkakaroon ng healthy relationship ang isang indibidwal na alamin ang mahahalagang layunin nila sa buhay upang mas maging mabuti para sa kanilang minamahal.
“Many people strive to feel like they're doing something good for someone else and improving the world in some way. Being in a loving relationship, no matter what kind, can give a person a sense of well-being and purpose. In fact, it's possible that having a sense of purpose can actually add years to your life,” paliwanag nila.
LONGER LIFE
Panghuli at pinakamahalaga rin, maaari raw makatulong ng pagkakaroon ng healthy relationship na mapatagal pa ang buhay ng isang tao.
Halimbawa umano ng pagkakaroon ng kahit isang tao na makakasama ng isang indibidwal upang pagdaanan ang mahihirap na yugto ng kaniyang buhay, depresyon o social anxiety, makakasiguro siyang may masasandalan siya at malalampasan niya ito.
“Sometimes having at least one good friend (or trusted co-worker, therapist or counselor) to help walk you through issues like social anxiety or depression can end up being more than worthwhile. It might be difficult, but it also might be exactly what you need. Even just having one or two strong, healthy relationships in your life can have a positive effect on health,” pagtatapos nila.