Romans 8:14
Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
Sa mundong ito, mayroon tayong maririnig na apat na boses, at mayroon tayong free will kung ano ang ating pakikinggan.
Ito ay ang boses ng Panginoon, boses ng demonyo, boses ng ibang tao, at sarili nating boses o sariling isipan.
Hindi lahat ng boses ay magdadala sa atin sa tamang direksyon. May mga boses na magdudulot ng pagdududa, tukso, takot, at pangamba. Minsan pa nga ang sarili nating boses ang nagliligaw sa atin.
Pero ang boses ng Panginoon ang magdadala sa atin ng kapayapaan, katotohanan, kaliwanagan, at tamang paggabay—kung hahayaan din natin ang Banal na Espiritu ng Diyos na manguna sa ating buhay.
Kaya ang tanong: Pinipili ba nating pakinggan ang boses Niya?
Bilang mga anak ng Diyos, ang hamon sa atin ay ang parating pakikinig sa Kaniya araw-araw sa pamamagitan ng pananalangin, pagbabasa ng Kaniyang Salita at may kaakibat na pagsunod.
Sa oras na ito, piliin nating patahimikin ang ibang boses at ituon ang ating puso at tenga sa Panginoon.
Oo, may free will tayo, pero kakayahan din tayong pumili ng tama kung saan kaya tayong gabayan Banal Na Espiritu. Sa ganitong paraan, siguradong madadala tayo nito sa Kaniyang napakagandang plano para sa atin.
"Panginoon, tulungan Mo akong makilala ang Iyong boses sa gitna ng maraming boses sa mundo. Bigyan Mo ako ng tengang marunong makinig at pusong marunong sumunod."
Kaugnay na Balita: Semana Santa: Ang makilala si Kristo at lubos pa Siyang makilala
Kaugnay na Balita: Semana Santa: Maglingkod sa Diyos kahit walang nakakakita
Kaugnay na Balita: Semana Santa devotional: Ang pagmamahal at pagpapatawad ng Panginoon
Kaugnay na Balita: Semana Santa devotional: Ang mamahaling pabango
Kaugnay na Balita: Semana Santa devotional: Purihin ang Diyos!