April 21, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

Semana Santa devotional: Ang pagmamahal at pagpapatawad ng Panginoon

Semana Santa devotional: Ang pagmamahal at pagpapatawad ng Panginoon
Photo courtesy: Freepik

Isaias 53:5-6: Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

Ang pagmamahal at pagpapatawad ay mga salitang madaling sabihin ngunit mahirap ipakita ang iparamdam dahil ang mga ito ay hindi lang emosyon na dinaramdam. 

Ang mga ito ay desisyon na pinipiling gawin sa kabila ng mga sariling pagkukulang at limitasyon. 

Para sa Panginoon, ang pagmamahal at pagpapatawad ay parte ng Kaniyang karakter, na pinili Niyang ipakita at iparamdam sa atin para sa ating kaligtasan mula sa kasalanan at kagalingan mula sa pisikal, mental, at emosyonal na sakit. 

Kaya bilang Kristiyano, tandaan mong malaya ka na at hindi mo na kailangang ikulong ang sarili mo sa mga hatol ng iba o kasalanang tila hindi mapakawalan. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis

Ikaw ay bagong nilalang na at sa Kaniya, ika’y pinatawad at lubos na minamahal nang pag-ibig na walang hanggan.