April 18, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

Semana Santa: Maglingkod sa Diyos kahit walang nakakakita

Semana Santa: Maglingkod sa Diyos kahit walang nakakakita
freepik

Colosas 3:23-24
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.  

Minsan, ang tunay na paglilingkod sa Kaharian ng Diyos ay tahimik at hindi napapansin ng iba, pero nakikita ito ng Diyos at Siya ang magbibigay ng greatest reward

Sabi nga ni John Wooden, isang American coach at writer, "Character is who you are when no one is watching." 

Sino ka kung walang nakatingin?

Naglilingkod ka ba sa Diyos dahil gusto mong mapansin ng ibang tao, o naglilingkod ka ba dahil mahal mo Siya?

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis

Ika nga, be willing to go unseen. Kahit walang nakakakita ng paglilingkod mo ay dapat magpatuloy pa rin. Kahit hindi mapuri ng leader o ng pastor, okay lang, dahil nakikita naman mismo ng Diyos. 

Lagi nating ipanalangin sa Kaniya na bigyan Niya tayo ng pusong mapagkumbaba, pusong handang sumunod ng walang kapalit, pusong hindi hangad ang palakpak ng mundo, at pusong totoong nagmamahal sa Diyos. 

May "balik" ba 'yong bawat tahimik na paglilingkod, 'yong bawat pagod, at yong bawat oras na ibinubuhos? — Meron.

Binabalikan tayo ng langit ng pagpapapala, at ang pagpapapalang 'yon ay sumusunod sa buhay natin na patuloy na sumusunod sa Diyos. Darating ang araw na aanihin natin 'yong mga itinanim natin. 

Maglingkod kahit walang nakakakita. 

"Many are called but few are chosen," isa tayo sa mga pinili. Huwag nating bitawan ang calling natin sa mundong ito. 

May pangako ang Diyos para sa bawat isa: "Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo." Colossians 3:24