May 22, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Larong 'Table Tennis' at 'Ping Pong,' magkaiba nga ba?

ALAMIN: Larong 'Table Tennis' at 'Ping Pong,' magkaiba nga ba?
Photo courtesy: Unsplash


Table tennis, Ping Pong, ano tara?

Ang bansang Pilipinas ay makikitaan ng sari-saring kinahuhumalingang mga laro—mula sa pagsho-shoot ng basketball sa ring, sa pagpalo ng mga bola sa volleyball, at ang paghampas ng mga raketa sa shuttlecock sa badminton.

Ngunit maliban sa mga ito, isa rin sa mga pinakatanyag na laro sa bansa ay ang larong “Table Tennis."

Ano nga ba ang larong “Table Tennis?”

Ang table tennis ay isang laro na kung saan gumagamit ang dalawa hanggang apat na tao ng maliliit na tennis rackets upang hampasin ang isang maliit na bola sa ibabaw ng mesa.

Ayon sa International Table Tennis Federation (IITF), ang larong table tennis ay nagsimula bilang isang “mild social diversion” sa England, bago ang pagtatapos ng ika-19 siglo.

Noong 1880, nagsimulang gamitin ang dining tables bilang improvised equipment ng laro.

Pero tuwing pag-uusapan ang larong table tennis, hindi rin maiiwasang mabanggit ang salitang “Ping Pong.”

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

Ano ba ang kaibahan ng dalawa?

Ayon sa artikulong mababasa sa pahinang “Rules of Sports,” hindi hamak na halos pareho lang ang dalawang laro.

PERCEPTION

Base sa artikulo, “perception” sa dalawang laro ang pagkakaiba.

Ang table tennis ay seryosong laro, na siyang kinikilalang isports na pinaglalabanan sa international leagues at cup competitions sa ibang bansa.

Samantala, ang ping pong ay ang “informal” o “social way” ng larong table tennis.

SERVING

May kaunting pagkakaiba ang dalawang laro sa usapin ng serving ng bola.

“In table tennis, the ball is required to be thrown more than six inches upwards from an open hand and then hit from behind the table’s baseline. However, in less formal ping pong games, serves may be hit straight out of the hand or following a bounce on the table,” mababasa sa artikulo.

SCORING

Batay sa parehong source, iba rin ang scoring setup ng table tennis at ping pong.

“In modern table tennis, games go up to 11 points, players having two serves at a time. In many ping pong matches though, the traditional 21 point format is used with each player having five serves alternately,” mababasa sa artikulo.

Anang IITF, na-market ang larong table tennis at naging tanyag pa sa iba’t ibang mga katawagan tulad ng Ping Pong or Gossima, Whiff Waff, Parlour Tennis, Indoor Tennis,Pom-Pom, Pim-Pam, Netto, Clip-Clap, Royal Game, Tennis de Salon at iba pa.

Minsan ay nakakalito man, hindi maikakailang ang table tennis at ping pong ay isang larong tumatak na sa isipan ng bawat isa.