May 13, 2026

Home BALITA National

'Walang pagsidlang tuwa at pasasalamat sa ICC!'—Atty. Conti

'Walang pagsidlang tuwa at pasasalamat sa ICC!'—Atty. Conti
Photo courtesy: Kristina Conti (FB)/MB File Photo

Masayang-masaya ang abogadong si Atty. Kristina Conti, assistant to counsel sa International Criminal Court (ICC) ng mga umano'y biktima ng war on drugs at kanilang pamilya, sa naging kumpirmasyon ng charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Huwebes, Abril 23, kinumpirma ng ICC ang charges laban sa dating pangulo, na magtutuloy na sa trial proper.

Noong Miyerkules, Abril 22, kinumpirma naman ng ICC ang jurisdiction nila sa kaso, kahit na hindi na miyembro ng ICC Rome Statute ang Pilipinas.

Tinawag ni Conti na "mabilis at pulido" ang naging desisyon ng ICC patungkol sa kaso. Sinabi rin niyang ang mga susunod na desisyon tungkol sa jurisdiction at confirmation of charges ay magbibigay-daan umano sa paglilitis kay Duterte sa kasong crimes against humanity.

"Walang pagsidlang tuwa at pasasalamat sa ICC sa mabilis at pulidong mga desisyon. Ang magkasunod na desisyon patungkol sa jurisdiction at confirmation of charges ay nagbibigay-daan sa paglilitis ni Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity. Tama ang pasya natin na dumulog at magreklamo sa ICC," aniya pa.

National

Llamas, tiniradang 'wala palang bitaw' si Sen. Padilla!

Dagdag pa niya, mahalagang maihanda na ang mga biktima para sa kanilang magiging papel sa proseso ng paglilitis.

Aniya, dapat ding itulak ang mabilis na pag-usad ng kaso upang mabatid ang buong katotohanan sa mga sinasabing malagim na pangyayari noong nakaupo ang mga Duterte sa Davao City at kalaunan ay sa Malacañang.

Matatandaang nagsagawa ng imbestigasyon ang ICC kaugnay ng libo-libong pagkamatay sa anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon.

Sa ngayon, hinihintay pa ang mga susunod na legal na hakbang at pormal na proseso sa naturang kaso.