August 30, 2026

Home BALITA National

Sigaw ni Diokno: ‘Kapag malaya ang pamamahayag, mas may kapangyarihan ang mamamayan!’

Sigaw ni Diokno: ‘Kapag malaya ang pamamahayag, mas may kapangyarihan ang mamamayan!’
Photo courtesy: Chel Diokno/FB


Idiniin ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na may kapangyarihan ang mamamayan sa pagkakaroon ng malayang pamamahayag.

Ibinahagi ni Diokno ang pahayag sa kaniyang Facebook post kasabay ng paggunita ng National Press Freedom Day ngayong Linggo, Agosto 30.

Aniya pa, saludo siya sa mga mamamahayag na patuloy ang pagtatanong, pagsisiyasat, at pagdadala ng katotohanan para sa taumbayan.

“Sa panahon ng disinformation, matinding ingay sa social media, at mga usaping nangangailangan ng pananagutan, higit na mas mahalaga ang malaya at responsableng pamamahayag,” saad ni Diokno.

Aniya, “Ngayong National Press Freedom Day, saludo tayo sa mga mamamahayag na patuloy na nagtatanong, nagsisiyasat, at naghahatid ng katotohanan sa publiko.”

“Kapag malaya ang pamamahayag, mas may kapangyarihan ang mamamayan na malaman ang totoo at maningil ng pananagutan,” pagtatapos ni Diokno.

Sa hiwalay na pahayag, iginiit naman ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga hamong kinahaharap ng mga mamamahayag sa kasalukuyan. Anila, dapat din daw tiyakin ang proteksyon at kaligtasan ng mga ito.

"Journalists, by exposing abuses and providing communities with information to protect their rights, are also human rights defenders entitled to protection," saad ng CHR.

MAKI-BALITA: CHR sa Press Freedom Day: Kaligtasan ng mga mamamahayag, tiyakin!-Balita