August 28, 2026

Home FEATURES Trending

Kapatid ng nawawalang Pinoy sa Nepal, nananawagan sa publiko

Kapatid ng nawawalang Pinoy sa Nepal, nananawagan sa publiko
Photo courtesy: Chiara Manalo (FB), AP News (video screenshot)

Humihingi ng tulong sa publiko ang kapatid ng nawawalang Pinoy sa Nepal kasunod ng pananalasa ng malawakang flash flood sa border area nito noong Miyerkules, Agosto 26. 

MAKI-BALITA: Filipino national, naitalang nawawala matapos ang flash flood sa Nepal

Ang nawawalang Pinoy na si Juan Carlos Manalo ay isang turista sa Nepal. 

MAKI-BALITA: Filipino national, naitalang nawawala matapos ang flash flood sa Nepal

Sa Facebook post na ibinahagi ni Chiara Manalo, kapatid ni Juan Carlos, noon pang Martes, Agosto 25, ang huling contact nila, bandang 1:21 PM sa Pilipinas at 11:06 AM naman sa Nepal. 

Trending

‘Bawal maging kuwento!’ Hiking experience ng isang netizen, kinatuwaan

Saad ni Chiara, kasama ang kaniyang kapatid sa Isha Sadghuru Group para sa Kailashyatra tour nito sa Nepal.

Aniya pa ang huling mga detalye ng naturang grupo ay nasa Immigration Office sa Gyirong County sa Tibet. 

Kaya ipinapanawagan ni Chiara sa publiko, sinumang nakakaalam ng kasalukuyang kinaroroonan ng kapatid, mangyari lamang na ipagbigay-alam sa sumusunod na contact numbers: 

Jose Rodrigo Manalo: +63 917 302 3077

Dinah Marie Manalo: +63 917 514 3465

Chiara Manalo: +63 917 791 7849

“Any information or news about him or his group would be greatly appreciated,” panawagan ni Chiara. 

Sa dulo ng post, inamin ni Chiara na mahirap para sa kanilang pamilya ang trahedyang naganap sa Nepal. 

Kaya hiling niya pa sa publiko, isama sa panalangin ang kanilang pamilya at ligtas na pag-uwi ni Juan Carlos sa Pilipinas,

Saad pa niya, mas makakabuti rin sa mga oras na itong maikonekta sila sa sinumang awtoridad sa Nepal na nagsasagawa ng paghahanap sa mga turistang nawawala pa. 

“If you can connect us to any appropriate agency who may be able to coordinate with Nepal authorities and assist with the ongoing search operations, please reach out to us. We would be eternally grateful,” dagdag pa ni Chiara.