August 28, 2026

Home BALITA Internasyonal

Filipino national, naitalang nawawala matapos ang flash flood sa Nepal

Filipino national, naitalang nawawala matapos ang flash flood sa Nepal
Photo courtesy: AP News (video screenshot)

Isang Pinoy ang kabilang sa mga taong nawawala sa pananalasa ng malawakang flash flood sa border area ng Nepal at China noong Miyerkules, Agosto 26. 

MAKI-BALITA: Flash flood sa Nepal, kumitil na ng 162 katao!

Batay sa situation update ng Nepal Tourism Board noong Huwebes, Agosto 27, bukod sa Pilipinas, narito ang mga sumusunod na bansang may nawawalang missing nationals: 

1. Australia 

2. Belarus 

Internasyonal

Walang Filipino casualties sa flash floods sa Nepal-China borders—Malacañang

3. Belgium 

4. Canada 

5. China 

6. Finland 

7. France 

8. Germany 

9. Hungary

10. India 

11. Italy

12. Ireland

13. Israel

14. Japan

15. Kazakhstan

16. Latvia

17. Lithuania

18. Malaysia 

19. Nepal

20. Netherlands

21. New Zealand

22. Portugal 

23. Russia 

24. Serbia

25. Singapore

26. South Africa

27. Spain

28. Sweden

29. Ukraine

30. United Kingdom

31. USA 

Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuoang 667 nawawala mula sa flash flood. 

Sa ulat ng Manila Bulletin noong Agosto 27, tiniyak ng Philippine Embassy sa New Delhi at Philippine Honorary Consulate General sa Kathmandu na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa northern Nepal upang makapagbigay ng assessment sa sitwasyon at agarang tulong sa mga naapektuhan pang Pinoy. 

Ayon naman sa Nepal police, pumalo na sa 162 ang nasawi dahil sa flash flood habang inulat ng state broadcaster na CCTV na tatlo ang patay at 265 ang nawawala sa Gyirong County sa Tibet, malapit sa national border. 

Binanggit ng mga eksperto na posibleng glacial collapse sa umiinit na Himalayan region ang nagdulot ng flash flood. 

MAKI-BALITA: Flash flood sa Nepal, kumitil na ng 162 katao!

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit sinalanta ng rumaragasang flash floods ang border area ng Nepal at China?