August 30, 2026

Home BALITA Probinsya

Kawayang tulay sa Oriental Mindoro, tulong-tulong na binuo para madaanan

Kawayang tulay sa Oriental Mindoro, tulong-tulong na binuo para madaanan
Photo courtesy: PNP Police Regional Office Mimaropa (FB)

Pinagtulungang ayusin ng mga awtoridad at residente ang kawayang tulay sa Sitio Naswak, Barangay Lisap, Bongabong na nasira noong Huwebes, Agosto 20 para muli itong madaanan ng mga residenteng naninirahan malapit dito. 

Batay sa pahayag ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA noong Sabado, Agosto 29, kasama sa mga nagkumpuni ng tulay ay mga opisyal mula sa Philippine Army, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, barangay at ilang mga residente. 

Matatandaang nasira ang nasabing tulay dahil sa pagtama ng malalakas na alon at pagtaas ng tubig, na nagdulot upang mahirapan ang mga naninirahan malapit dito na magpunta sa pangunahing komunidad at bumili ng pangangailangan nila. 

Ang insidenteng ito ay nagdulot din ng pagka-stranded ng 15 guro ng Naswak Elementary School kasunod ng biglang pag-apaw ng Bongabong River. 

MAKI-BALITA: 15 guro sa Oriental Mindoro, ligtas na nasagip sa rumaragasang ilog

Probinsya

Angat Dam, tumaas water level ng 3.5 meters!

Sa pahayag din ay nabanggit na kinilala ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz ang mga opisyal at residenteng tumulong sa pagsasaayos ng tulay. 

“Our responsibility does not end when the rescue is over. When our communities need help getting back on their feet, we should be there with them,” ani Dela Cruz. 

“What happened in Naswak shows what can be done when the police, military, local government, and community work together. Everyone had a part in helping restore a basic need of the people—a safe way to get home,” dagdag pa niya.