August 24, 2026

Home SHOWBIZ

Archie, wasak ang career matapos kasuhan ni Rita

Archie, wasak ang career matapos kasuhan ni Rita
Photo Courtesy: Archie Alemania (IG)

Aminado ang aktor na si Archie Alemania na tumamlay ang karera niya matapos pumutok ang isyu ng ginawa niyang pangmamanyak sa Kapuso actress-singer na si Rita Daniela.

Matatandaang sinampahan ni Rita si Archie ng kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code. 

Ito ay matapos siyang makaranas ng harassment sa kapuwa aktor nang alukin siya nitong ihatid pauwi.

“Would you consider na big blow sa career mo, kung bakit biglang tumamlay ang career mo pagkatapos ng isyu sa inyo ni Rita Daniela?” usisa ni showbiz insider Ogie Diaz kay Archie sa latest episode ng vlog niya noong Linggo, Agosto 23.

“Oo naman,” sagot ni Archie. “Siyempre naman. Simula nang mangyari ‘yon, ‘yong isyu na ‘yon, wala na akong taping. Wala na akong trabaho. So total stop lahat. Until now.”

School head humingi ng tawad matapos insultuhin sina Falcis, Diokno, Cendaña

Dagdag pa niya, “May isang direktor na kumukuha sa akin sa isang network, sa GMA, at ang sabi ng direktor e ang sabi raw ng staff e may kaso pa raw ako.”

Ayon kay Archie, hindi pa raw siya nagbabakasakali sa ibang network. Pero sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa  (CICC).

Noong Oktubre 2025, hinatulan na si Archie ng guilty sa kasong isinampa sa kaniya ni Rita. Ngunit sa kabila nito, iginiit pa rin niyang hindi raw siya nangmanyak kahit kailan.

Maki-Balita: Archie Alemania, guilty sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela!

Maki-Balita: Kahit nahatulan nang guilty: Archie, never daw nangmanyak!