Hindi na pinalabas nang buhay ng isang barangay tanod ang kanilang chief tanod mula sa loob ng kanilang bahay sa Ormoc City, Leyte.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, umuwi noon sa kaniyang bahay ang tanod na suspek upang sunduin sana ang live-in partner niya.
Subalit laking-gulat umano ng suspek nang madatnan niya ang live-in partner niya na nakikipagbembangan sa kanilang chief tanod.
Ayon pa sa mga awtoridad, bago tuluyang mangompronta, kumuha muna ng kutsilyo ang susek at saka binalikan ang dalawa.
Kapuwa pinagsasaksak ng suspek ang naturang chief tanod at mismong live-in partner niya.
Ayon pa sa pulisya, nagtamo ng mga saksak sa dibdib ang chief tanod na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.
Habang nagpapagamot na sa ospital ang kaniyang live-in partner.
Samantala, kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek. Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang barangay tanod na hararap sa kasong murder at frustrated murder.