Naglabas ng pahayag ang school head ng Dimasalang National High School sa Masbate na para humingi ng tawad sa political analyst na si Jesus Falcis, gayundin kina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno at Perci Cendaña.
Sa pahayag na inilabas ng school head nitong Lunes, Agosto 24, sinabi niyang bilang school head, kinikilala raw niya na ang kaniyang mga salita, aksyon, at social media activities ay maaaring maging repleksyon hindi lang ng kaniyang sarili kundi pati ng institusyon na pinangangasiwaan niya bilang punong-guro.
"Upon reflection," anang school head, "I acknowledge that I should have exercised greater prudence, restraint, and discernment in what I chose to repost and publish, especially considering my responsibilities as a School Principal.
"Regardless of my personal intention, I understand that the manner and context in which my reposts and post togehter with its captions, may have cause offense and damage sensitivities. For this, I am truly sorry," dugtong pa niya.
Sa huli, umaasa ang school head na maiparating nitong paghingi niya ng tawad ang dalisay na pagkilala niya sa kaniyang mga kakulangan.
"Thank you for your understanding. Again, I am sorry for what I have done," pahabol pa niya.
Matatandaang bago ito, sinita na ni Falcis ang school head na labag daw sa Safe Spaces Act ang pinost nito laban sa kaniya sa ilalim ng Gender-Based Online Sexual Harassment.
Aniya, "Principal ka. I will file an admin complaint before the DepEd.”