August 24, 2026

Home BALITA Metro

Binatilyong nawala matapos maligo sa Baseco, Tondo, natagpuang bangkay na

Binatilyong nawala matapos maligo sa Baseco, Tondo, natagpuang bangkay na
Photo courtesy: Manila City DRRM Department (FB)

Malamig na bangkay na nang matagpuan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Department ang isang 13-anyos na binatilyong nawawala matapos naligo sa Baseco Beach sa Tondo, Maynila. 

Batay sa ilang ulat ng media, kinilala ang binatilyo bilang si Rhomel Baluyot. 

Saad pa sa pahayag ng Manila City DRRM nitong Lunes, Agosto 24, higit isang linggo ang naging paghahanap sa binatilyo matapos siyang huling naiulat na naligo sa Baseco Beach noong nakaraang Linggo, Agosto 16. 

Anila, natagpuan ang mga labi ni Rhomel sa baybayin ng Obando sa hangganan ng Navotas. 

Kasama ang mga kaanak, positibo nilang tiniyak ang pagkakakilanlan ni Rhomel at batay sa desisyon nila, agad na ipinalibing ang mga labi. 

Metro

Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin!

Sa dagdag na panayam ng media sa ama ng biktima noong Martes, Agosto 18, ibinahagi niyang nagpaalam itong dadayo sa Baseco para mag-computer pero nagkayayaan umanong lumangoy sa dagat.

Bagama’t marunong daw lumangoy si Rhomel, hindi raw nito kinayang languyin umano ang malakas na alon ng dagat dulot ng buhos ng Habagat. 

Batay pa sa kuwentong ibinahagi ng kaibigan ni Rhomel na nakaligtas sa insidente, pilit pa raw nitong pinakapit si Rhomel sa kaniya para hindi matangay ng alon. 

Sa kasawiang palad, inanod pa rin si Rhomel dahil sa brief lang umano ito ng kaibigan napakapit.