August 17, 2026

Home BALITA

Water level ng Angat at 5 pang dam, tumaas!

Water level ng Angat at 5 pang dam, tumaas!
Photo courtesy: MB


Umangat ang lebel ng tubig sa ilang mga pangunahing dam sa bansa, as of 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Agosto 17, batay sa datos na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang mga dam na nakapagtala ng pagtaas sa water level ay ang Angat, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam.

Anang ahensya, umangat sa 183.73 meters ang water level ng Angat Dam ngayong araw, mas mataas ng 1.10 meters sa talang 182.63 meters noong Linggo, Agosto 16.

Tumaas din ng 0.06 meters ang antas ng tubig sa Binga Dam; 2.46 meters sa San Roque; 0.64 meters sa Pantabangan; 0.12 meters sa Magat; at 0.53 meters sa Caliraya Dam.

Samantala, naitala naman ang pagbaba ng water level sa Ipo, La Mesa, at Ambuklao Dam sa parehong araw.

Anang PAGASA, 0.06 meters ang binaba ng antas ng tubig ng Ipo; 0.02 meters sa La Mesa; at 0.74 meters naman sa Ambuklao.

Photo courtesy: DOST-PAGASA

Kasabay ng paggalaw ng lebel ng tubig sa mga nabanggit na dam ang patuloy na pagbuhos ng ulang dala ng southwest monsoon o  habagat—na siyang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa, partikular na sa Luzon.

KAUGNAY NA BALITA: Water level ng Angat Dam, patuloy sa pagtaas!-Balita