Kinumpirma na ng mga awtoridad na nahulog mula sa ika-10 palapag ng Enrique Razon Sports Center ang incoming student-athlete ng De La Salle University sa Maynila noong Agosto 13, 2026.
Ayon sa mga ulat, sa Noli Street nahulog ang biktima bandang 12:57 ng hapon noong Agosto 13. Ilang concern citizen lang umano ang nagbalita sa security personnel hinggil sa nahulog na estudyante raw ng La Salle sa bahagi ng naturang lansangan.
Agad na rumesponde ang university physician ng La Salle kung saan idineklara niyang dead on the spot ang nasabing student-athlete.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Huwebes, Agosto 13, kinumpirma ng La Salle ang naturang insidente.
“De La Salle University confirms that an incident occurred today involving an incoming student who fell from a building on the Manila campus,” anang unibersidad.
Saad pa nila, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga awtoridad at maging sa mga magulang ng sangkot na estudyante.
“DLSU has reached out to the parents of the student and are coordinating with the authorities,” anang La Salle.
KAUGNAY NA BALITA: Incoming student ng La Salle, nahulog umano mula sa campus building!
Napag-alamang 18 taong gulang na basketbolista ang incoming student-athlete na tubong Negros Oriental.
Kasalukuyan na siyang nakaburol sa Sampaloc Room, Manila Memorial Park – Sucat, Parañaque City at nakatakdang iuwi sa kanilang probinsya Martes, Setyembre 18.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad matapos maibigay sa homicide department ng Manila Police District (MPD) ang kaso.