Usap-usapan ngayon sa social media ang surgical mission sa isang pampublikong ospital sa Batangas dahil sa libre nilang rhinoplasty at blepharoplasty surgeries.
Mababasa sa Facebook post ng Batangas Provincial Hospital (BPH) noong Huwebes, Agosto 15 na magsasagawa sila ng libreng rhinoplasty at blepharoplasty surgical mission sa darating na Setyembre 17 hanggang 18.
Ang naturang surgical mission ay isasagagawa ng BPH sa pakikipagtulungan sa Philippine Academy of Aesthetic Surgery.
Ayon sa ospital, ang rhinoplasty ay isang surgical procedure para mapaganda at maayos ang hugis ng ilong, kabilang ang pagtaas ng nasal bridge at pag-improve ng kabuoang facial balance.
Ang blepharoplasty naman ay isang surgical procedure na nag-aalis ng sobrang balat sa talukap ng mata at under-eye bags para maging mas bukas at maliwanag ang itsura ng mga mata.
Hirit ng maraming netizens, “chance” na raw nila ito para magpaayos ng ilong nila ngunit para sa ilan, hindi nila naikaila ang pagkatakot nila sa libreng serbisyo ng ospital.
“Pag asa ko na ba itong tumangos ang ilong? Parang nkakatakot naman e at libre bka pagpraktisan sa halip na tumangos mapudpod nganii”
“Ito na to hahaha sana mapili po ako Hahaha”
“Ako na tooooo tatangos na ilong ko nito HAHAHAHAHA”
“Parang kakatakot nmn yan heheh...legit po b tlga? Mmya praktis lng nila hehehe mahal p nmn ung magpatangoa ng ilong heheh”
“nako po hayae na kung anong pinag kaloob skn ng dios ay tatanggapin na mamaya kung ano pang mangyari sa ilong ko pirat na nga mamaya mangamatis pa”
“Libre tapos training pala”
“Kailangan ko na to para lumakas ang confident ko”
“Baka libre nga Hindi Naman maganda at libre”