August 14, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: ‘First Aid’ na kinakailangang gawin sa taong nakuryente

ALAMIN: ‘First Aid’ na kinakailangang gawin sa taong nakuryente
Photo courtesy: Unsplash

Patuloy na umiigting ang pag-ulan sa iba’t ibang parte ng bansa bunsod ng Southwest Monsoon o Habagat.

Bukod sa pagkasira ng mga kalsada at establisyemento, at mga sakit na maaaring makuha dahil sa tubig-baha tulad ng leptospirosis, nagpaalala rin ang pamahalaan sa panganib ng mga nabasang linya ng kuryente. 

MAKI-BALITA: PCO nagbabala sa leptospirosis habang patuloy ang pag-ulan, pagbaha

Dahil dito, narito ang first aid na ibinaba ng Department of Health (DOH) para sa mga taong nakuryente: 

1. Kung ligtas na maaabot, patayin ang kuryente mula sa main switch. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga kaabang-abang na ganap sa week 6 ng impeachment trial!

2. Kung hindi kayang patayin ang main switch, ilayo ang source ng kuryente gamit ang isang non-conducting object tulad ng kahoy o plastic.

3. Tumawag sa Unified 911 hotline para sa agarang pagresponde. 

4. Kung walang malay ang biktima, simulan ang pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR). 

5. Banlawan ang mga paso gamit ang malamig at umaagos na tubig sa loob ng 20 minuto. 

6. Tiyaking hindi giniginaw ang biktima at bantayan itong maigi hanggang sa dumating na ang tulong.