Binasag ng isang netizen ang pananahimik matapos manipulahin nang walang pahintulot ang kaniyang mga larawan sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).
Sa pamamagitan ng Facebook post ng kapatid niyang si Princess Eudela kamakailan, isinaboses ni Patricia Eudela ang kaniyang sentimyento.
Ayon kay Patricia, isang buwan na raw ang nakalipas mula nang nakatanggap siya ng mensahe para usisain kung mayroon ba siyang alter account. Kalakip nito ang mga screenshot ng litrato niyang nakahubad.
"It was 1 in the morning. I saw the message when I woke up and immediately replied that it wasn’t me. I asked where the photo came from, and he told me it was from Reddit," lahad ni Patricia.
Dagdag pa niya, "Someone had been editing my photos to manipulate people into making it look like I was naked. They were posted in a subreddit where people shared photos and videos of women and rated them for their own sexual pleasure.”
Nang silipin ni Patricia ang Reddit account na nagbabahagi ng manipuladong larawan niya, natuklasan niyang Enero 2026 pa ito ginawa.
Aniya, "In one Reddit post, the person indicated they also have a Telegram account. Upon scrolling that account, I found out the first story was from November 2025. Almost ten months ago. Some of the photos used were from as far back as 2021."
"There was one particular photo of me from 2023 that had never been publicly posted anywhere except my Instagram stories. It wasn't on my feed. It wasn't even in my highlights. The only way someone could have gotten that photo was by seeing it when I posted it on my story," dugtong pa ni Patricia.
Binigyang-diin naman niya sa bandang huli ng post ang naging epekto sa kaniya ng insidenteng ito kahit burado na ang account sa Reddit at Telegram.
“Those photos might be fake, but the fear, the humiliation, and the anxiety was real,” aniya.
Sa pakikipag-ugnayan ng Balita kay Patricia sa pamamagitan ng kapatid niyang si Princess, sinabi niyang hindi pa rin daw nila natutukoy kung sino ang nasa likod nito.
“Hanggang ngayon ay hindi pa namin nalalaman kung sino ang nasa likod ng account na ‘yon. Inilapit na namin ito sa NBI at naghihintay na lamang ng updates,” saad ni Patricia.
Binanggit din niyang hindi pa rin siya makapaniwalang may taong mamanipulahin ang larawan niya para gawing malisyoso.
“Pili lamang ang mga kaibigan na sinasamahan ko at bihira lang akong lumabas ng bahay,” anang biktima. “Madalas ay nasa bahay at trabaho lamang ako.”
“Walang kahit sinumang babae ang may deserve ng ganitong pangyayari,” giit pa niya.
Samantala, nagpaalala naman ang National Privacy Commission (NPC) na ang mukha ng isang tao ay personal na impormasyon na protektado ng Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012.