July 30, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Gatchalian, sinabihang ‘cute’ si Sen. Risa sa kaniyang ‘throwback’ post

Sen. Gatchalian, sinabihang ‘cute’ si Sen. Risa sa kaniyang ‘throwback’ post
Photo courtesy: Risa Hontiveros (IG), Senator Win Gatchalian (FB)

Kinilig ang “WinRi” shippers matapos magkomento si Senate President Win Gatchalian sa “Wayback Wednesday” post ni Sen. Risa Hontiveros, na makikitang nakasuot siya ng kimono. 

Sa nasabing throwback post ni Hontiveros noong Miyerkules, Hulyo 29, ikinuwento niyang naging malapit sa puso niya ang bansang Japan matapos niyang maging bahagi ng Japan Airlines Summer Scholarship Program higit apat na dekada na ang nakararaan sa Ichigaya Campus ng Sophia University. 

“Napakalapit sa puso ko ang Japan kasi I was a scholar of the Japan Airlines Summer Scholarship Program more than four decades ago at the Ichigaya Campus of Sophia University,” pagbabalik-tanaw ng Senadora. 

Dagdag pa niya, ang litrato niyang nakasuot ng kimono ay kinuhanan sa bahay ng kaniyang Japanese foster family. 

Kasunod ito ng naging deliberasyon nila sa senado noon ding Hulyo 29, hinggil sa “Proposed Senate Resolution No. 502,” na kumikilala sa 70 taong relasyon ng Pilipinas at Japan. 

Politics

Sinetch itey? Sen. Ping, binira umano'y taong pabulong na humingi ng ceasefire

Sa comment section, mababasa ang komento ni SP Gatchalian nito lamang Huwebes, Hulyo 30, “Ang cute naman. ,” na kinakiligan ng maraming netizens, partikular ang “WinRi” shippers. 

“Dawd kalmahan mo naman ”

“Oh my god dawd mahabang suyuan talaga gagawin mo”

“Ayan na po bumabawi na siya. ”

“Dawd Sen. Sherwin, lumabas na pala ang Japanese lady from Panay. I ship. ”

“jusko po napakaaga ng kilig ”

Matatandaang sa nasabi ring sesyon, pabirong binanggit ng ilang kapwa senador na ihahanap nila na isang “Japanese lady” si Sen. Gatchalian upang kaniyang maging kabiyak.