Hindi raw karapat-dapat pamunuan ni Vice President Sara Duterte ang Pilipinas ayon kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan.
Iniisa-isa kasi ni Kapunan sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila noong Lunes, Agosto 24, ang mga bagay na kinaaayawan niya kay VP Sara.
Kabilang na rito ang tila walang habas na pagnonormalisa ng karahasan. Gaya ng pagbanggit sa ere na aarkila diumano ang Bise ng assassin sa halagang ₱5,000 kapag nahuling may kabit ang asawa
“Is that a leader that you would want to follow? 'Yon ang mga nakikita ng mga iPad babies natin. 'Yon ang nakikita nila. It's a new normal," saad ni Kapunan.
Kaya posible rin umanong maulit ang extrajudicial killing (EJK) noon panahon ng panunungkulan ng ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity.
"Will it happen again in her presidency? I'm saying yes because even before she became president as mayor of Davao, nando'n ang Davao killing fields under her watch," anang private prosecutor.
Dagdag pa niya, "It will be a culture not only of violence, it will also be a culture of vengeance."
Kaya sa kabilang banda—ayon kay Kapunan—tila may katotohanan umano ang sinasabi ng mga tagasuporta ni VP Sara sa Senado na ang impeachment trial ay taktika para pigilan umano ang pagtakbo nito sa 2028 presidential elections.
“So ‘yong mga supporters ni Vice President sa Senado, ‘pag sinasabi nila na this is all to prevent Sara from running in 2028, it is true?” usisa ni Karen.
"In my view,” sagot ni Kapunan, “it is true. She does not deserve to be heading this democracy. She does not deserve to be the next president. She does not deserve to lead our country."
Matatandaang inanunsiyo na ni VP Sara noong Pebrero 18 ang pagkandidato niya bilang Pangulo sa pambansang halalang ikakasa sa 2028.
Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!