August 26, 2026

Home BALITA Probinsya

SWS: Kagutuman sa Mindanao, tumaas sa 24% nitong Hunyo

SWS: Kagutuman sa Mindanao, tumaas sa 24% nitong Hunyo
Photo courtesy: Wikimedia Commons, MB


Tumaas sa 24% ang antas ng kagutuman sa Mindanao nitong Hunyo 2026, batay sa datos na inilatag ng Social Weather Stations (SWS) noong Lunes, Agosto 24.

Batay sa Social Weather Report ng SWS, mas mataas ito kung ikukumpara sa 21.7% na naitala noong Marso 2026.

Anang SWS, Mindanao lamang ang nakapagtala ng pagtaas ng hunger incidence sa bansa—kumpara sa Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas na nakitaan ng pagbaba sa porsyento ng kagutuman.

Ito rin ang nakapagtala ng pinakamataas na tala ng hunger sa mga nabanggit na lugar.

MAKI-BALITA: Kagutuman bumaba sa NCR, Balance Luzon, Visayas; tumaas sa Mindanao!—SWS

Sa kabila ng pagtaas ng hunger incidence sa Mindanao, sa pangkalahatan ay naitala naman ang pagbaba ng kagutuman sa buong bansa.

Mula sa talang 23.2% noong Marso 2026, bumaba ito sa 20.3% noong Hunyo 2026.

Sa usapin ng moderate hunger, tumaas sa 2.7% ang talang ito sa Mindanao—20.7% mula sa 18.0%.

Samantala, bumaba naman ng 0.4% ang severe hunger sa nabanggit na lugar—3.3% mula sa 3.7%.