August 26, 2026

Home BALITA National

Kagutuman bumaba sa NCR, Balance Luzon, Visayas; tumaas sa Mindanao!—SWS

Kagutuman bumaba sa NCR, Balance Luzon, Visayas; tumaas sa Mindanao!—SWS
Photo courtesy: MB


Bumaba sa 20.3% ang “hungry rate” sa bansa nitong Hunyo 2026, batay sa inilabas na datos ng Social Weather Stations (SWS) noong Lunes, Agosto 24.

Ayon sa datos ng SWS, mas mababa ito kung ikukumpara sa naitalang 23.2% noong Marso 2026.

Batay pa sa inilatag na impormasyon, naiulat sa Mindanao ang pinakamataas na tala ng kagutuman sa talang 24% noong Hunyo 2026; mas mataas sa talang 21.7% noong Marso 2026.

Sa parehong panahon, bumaba naman sa 22.3% ang sa Visayas mula sa talang 28%; 21% sa Metro Manila mula sa 22%; at 17.3% sa Balance Luzon mula naman sa 22.4%.

Kaugnay nito, iniulat din ng SWS na noong Hunyo 2026, umabot sa 49% ng mga pamilyang Pilipino ang tinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahihirap.

National

Atty. Ligutan sa 'misleading question post' isyu: 'Ang pagtatama ng mali ay walang pinipiling lugar!'

Umabot naman sa 14% ang itinuturing ang kanilang pamilya bilang nasa “borderline;” habang 37% naman ang itinuturing na sila ay hindi mahirap.

Ipinaliwanag din ng SWS ang socio-demographic characteristics ng mga respondents ng nasabing pag-aaral.

“Applying census weights and correctly rounded, 13% of the respondents are from Metro Manila, 45% from Balance Luzon, 19% from the Visayas, and 23% from Mindanao. Forty-eight percent are from urban areas, and 52% are from rural areas. Male and female respondents have a 1-to-1 ratio and, thus, are alternately sampled,” saad ng SWS.

Anila, “By age group, 12% are youth (18-24), 19% are intermediate youth (25-34), 21% are middle-aged (35-44), 18% are 45 to 54 years old, and 30% are 55 years old and above.”

“By education, 13% had at most some elementary education, 28% either finished elementary or had some high school education, 26% either finished junior high school or completed vocational school, 22% either attended some senior high school, completed senior high school or vocational, or attended some college, and 11% either graduated from college or took post-graduate studies,” dagdag pa nila.

Anang SWS, isinagawa ang survey mula Hunyo 20 hanggang 29, sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Lumahok sa nasabing survey ang 1,200 adults (18 anyos pataas) sa buong bansa—300 sa Metro Manila, 300 sa Balance Luzon (Luzon sa labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 din sa Mindanao.