August 26, 2026

Home BALITA National

Atty. Ligutan sa 'misleading question post' isyu: 'Ang pagtatama ng mali ay walang pinipiling lugar!'

Atty. Ligutan sa 'misleading question post' isyu: 'Ang pagtatama ng mali ay walang pinipiling lugar!'
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Opisyal na sinagot ng private prosecutor na si Atty. Amando Virgil Ligutan ang naging pagpuna sa kaniya ng defense panel, matapos ang dalawang linggo noong Agosto 12, ang tungkol sa isyu ng pagpo-post niya sa gitna ng impeachment trial kaugnay sa “misleading questions.” 

Kaugnay ito sa naging tirada ng defense lead counsel na si Atty. Sheila Sison sa pagpo-post ni Ligutan kaugnay sa “misleading questions” habang umuusad ang Senate impeachment trial noong Agosto 12. 

Sa naturang post ni Ligutan noon, mababasang idiniin sa publiko ng naunang abogado na pangunahing prinsipyo raw ng lahat ng abogado na hindi payagan ang misleading questions sa cross-examination. 

“A principle [all] lawyers and law students know by heart: Misleading questions are [not] allowed even on cross-examination,” aniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Sison, binanatan pagpo-post ni Atty. Ligutan sa gitna ng impeachment trial!

National

Kagutuman bumaba sa NCR, Balance Luzon, Visayas; tumaas sa Mindanao!—SWS

Matatandaang tila naging mainit ang tensyon sa pagitan nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at Atty. Kristine Ferrer, mula sa defense panel, noon ding Agosto 12 tungkol sa kung maaaring “yes” or “no” lang daw ang isagot ng testigo sa cross-examination, at usapin sa misleading questions.

KAUGNAY NA BALITA: ‘I don’t think I need to lecture you that!' Kapunan, Ferrer nagkagirian dahil sa 'misleading question'

Sa naging pahayag naman ni Ligutan sa pagsisimula ng ika-19 na araw ng Senate impeachment trial nitong Miyerkules, Agosto 26, 2026, idiniin niyang naging guro umano muna siya bago maging isang abogado. 

Ani Ligutan, nagtuturo na raw siya ng hihigit sa loob 20 na taon habang 16 na taon pa lang umano siyang abogado. 

“Yes I am a lawyer. But more than just a lawyer, first and foremost, I am a teacher. Isa po akong guro… and I am proud to be one. I have been a lawyer for almost 16 years. But I have been a teacher and educator for almost 20 [years],” pagsisimula niya. 

Diin ni Ligutan, alam umano ng mga katulad niyang guro sa buong Pilipinas na wala raw pinipiling lugar o panahon ang pagtuturo at pagtatama ng mali. 

Aniya pa, ito raw ang natatangi niyang dahilan kaya niya nasabi ang naturang post noon.

“Alam ng ating mga magigiting na guro sa buong kapuluan na ang buong pagtuturo ay likas sa ating mga guro,” tirada niya. 

“Ang pagtuturo, ang pagtatama ng mali ay walang pinipiling lugar at walang pinipiling panahon. That’s why I made that post,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa mga tumawag sa kaniya ng 'mastermind of a scam,' 'brat': ‘Prove it with evidence!’