July 25, 2026

Home BALITA National

Sen. Marcoleta naka-wheelchair, bullet proof vest pagdating sa UP-PGH!

Sen. Marcoleta naka-wheelchair, bullet proof vest pagdating sa UP-PGH!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Dumating nang naka-wheelchair at may suot na protective vest si Sen. Rodante Marcoleta sa University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) nitong Martes, Hulyo 14, 2026, upang ikonsulta ang kaniyang kasalukuyang kalagayan. 

Sa naging pahayag naman ni Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) National Capital Region (NCR) Chief PCol. John Guiagui sa panayam sa kaniya ng media nito ring Martes, ipinaliwanag niyang layunin lang daw nilang maging komportable si Marcoleta kaya ito gumamit ng wheelchair. 

Matatandaan kasing nakitaan ng mild pneumonia si Marcoleta sa isinagawang mga medical test ng PNP-General Hospital noong Hulyo 8 at hindi raw maikakailang nakakita raw sila ng mga totoong findings kaugnay sa kalagayan ng senador.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta, tinamaan ng mild pneumonia!

“Alam n’yo naman, noong una pa lang, sinasabi niyang naninikip ‘yong dibdib niya. So to ease the stress or anything na ano is we make it comfortable for him,” pagsisimula ni Guiagui. 

National

De Lima kinondena 'death threats,' pagpatay kay Mima Alicia!

Anang hepe, maayos naman daw ang proseso ng naging pagpapaliwanag nila sa pamilya ni Marcoleta kaugnay sa pagdadala nila sa senador sa UP-PGH. 

Paglilinaw ni Guiagui, magsasagawa lang daw ng medical evaluation ang UP-PGH kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng kalusugan ni Marcoleta, upang malaman daw nila kung magiging “fit to travel” na ang senador na iharap sa Korte sa darating na Miyerkules, Hulyo 15. 

“Naging maayos naman. Actually, I speak with his family a while ago bago natin siya dalhin dito. Ipinaalam lahat kung ano ‘yong mga procedure ng mga gagawin,” aniya. 

Dagdag pa niya, “And we will just be waiting kung ano ‘yong mga result ng medical evaluation ng PGH as to the situation or the medical condition of Sen. Marcoleta.” 

Pagpapatuloy ni Guiagui, pinagsuot naman daw nila ng protective vest si Marcoleta upang masigurado nilang walang anomang masamang bagay ang mangyayari sa senador bilang kanilang precautionary measure.

“We don’t want anything to happen. Those are just precautionary measures,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag o tugon si Marcoleta sa media sa naging pagdating niya sa UP-PGH. 

KAUGNAY NA BALITA: Marcoleta sa mga tagasuporta: ‘Muli tayong magkikita-kita’