July 09, 2026

Home BALITA National

Sen. Marcoleta, tinamaan ng mild pneumonia!

Sen. Marcoleta, tinamaan ng mild pneumonia!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ng Philippine National Police (PNP) General Hospital na nakitaan umano ng mild pneumonia si Sen. Rodante Marcoleta sa isinagawang mga medical test rito. 

Sa naging panayam ng media kay P/Lt. Col. Benaly Bayani nitong Miyerkules, Hulyo 8, 2026 sinabi niyang may lumabas na raw na resulta na naging mga test kay Sen. Marcoleta at hindi raw maikakailang nakakita raw sila ng mga totoong findings kaugnay sa kalagayan ng senador. 

Ani Bayani, normal naman daw na makakakita talaga sila ng dinaramdam ni Marcoleta dahil na rin sa edad at pagiging hypertnesive ng huli. 

“Syempre, hypertensive si Sen. Marcoleta. Expected na po na part of… makikita natin by x-ray. Sa edad po niya at saka doon sa fluctuating blood pressure niya, hindi po maganda para sa kaniya,” pagsisimula niya. 

Anang pulis, clinically stable at hindi naman daw nalalagay sa kritikal ang kondisyon ng kalusugan ni Marcoleta at lagi raw silang nakabantay sa senador. 

National

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!

“Tulad ng sinabi ko kahapon, clinically stable [at] wala pong critical condition si Sen. Marcoleta. ‘Yon lang po sa BP po niya, kailangan lang nating i-monitor ‘yong BP po niya sa ngayon kasi fluctuating po talaga ‘yong BP niya,” aniya. 

Paglilinaw ni Bayani, nananatili pa naman daw na hindi fit to travel si Marcoleta para daw sana dalhin sa Sandiganbayan. 

Saad pa niya, imposible naman daw na makuha ni Marcleta ang sakit ng pneumonia sa loob ng PNP General Hospital at tiyak daw niyang nagkaroon na ang senador nito noon pa man. 

“Hindi ko masasabi kung kailan na-develop iyon. O puwede po na bago siya na-admit sa amin, mayroon na po iyon. Or hindi naman po puwedeng nandito na sa ospital [nagkaroon] ng pneumonia kasi kaka-admit lang siya kahapon,” ‘ika niya. 

“Definitely hindi po dito sa Hospital, baka po sa labas nagkaroon na po,” pagtatapos pa niya. 

Pahabol naman ni Bayani, hindi naman daw nakakapag-aalala ang kasalukuyang karamdaman ni Marcoleta. 

Matatandaang Hulyo 6, nang dalhin ng pulisya si Marcoleta sa PNP General Hospital dahil sa naging pagrereklamo nitong pananakit ng kaniyang dibdib at pagtaas ng presyon ng kaniyang dugo. 

KAUGNAY NA NALITA: Sen. Marcoleta, umindang sumakit dibdib at tumaas presyon ng dugo!

KAUGNAY NA BALITA; 'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya!