July 23, 2026

Home BALITA Politics

'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya!

'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya!
Photo courtesy: Screengrab from GMA News/YT

Naaresto na si Sen. Rodante Marcoleta matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan 3rd Division nitong Lunes, Hulyo 6, 2026.

Bago ilabas ang arrest order, nauna nang nagtungo si Marcoleta sa Sandiganbayan para sa kaniyang motion to quash at pag-defer niya sana sa issuance ng warrants na isinagawa sa pamamagitan ng pagdinig.

Subalit, hindi kinatigan ng Sandiganbayan ang mga mosyon ni Marcoleta at inihayag ni Associate Justice Karl Miranda na may probable cause ang plunder case na kinahaharap ng senador.

Sa pagharap ni Marcoleta sa media matapos ang pananatili niya ng ilang minuto sa Sandiganbayan para sa “return of warrant,” iginiit niyang iginagalang umano niya ang proseso ng batas at dumipensang hindi pinili niyang hindi pagtaguan ang plunder case na isinampa laban sa kaniya.

“Palagi tayong nagpapasakop sa batas. Lahat ng umiiral na batas ng ating bansa, kailangan natin igalang,” ani Marcoleta.

Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!

Paliwanag pa niya, “Sabi ng Sandiganbayan meron na silang determination of probable cause kaya sila nag-issue ng warrant of arrest. Igalang natin yun.”

Nakatakdang ipiit si Marcoleta sa New Quezon City Jail -  Male Dormitory sa Payatas kung saan nakadetine ang kapwa niya senador na si Sen. Jinggoy Estrada na nauna nang ipinaaresto ng Sandiganbayan bunsod ng kaso ring plunder kaugnay naman ng anomalya sa  flood control project.

Samantala, kabilang din sa warrant of arrest sina dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at dalawang negosyanteng sina Aristotle Baluyut Viray at Joseph Varias Espiritu na pawang campaign donors ni Marcoleta noong Eleksyon 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: Warrant of arrest, hold departure order, inilabas laban kay Sen. Marcoleta, at iba pa!

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang mga ulat hinggil sa pagsuko o pag-aresto kina Defensor at dalawa pang negosyante.