August 17, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Color-coded rainfall warnings at emergency alerts tuwing masama ang panahon

ALAMIN: Color-coded rainfall warnings at emergency alerts tuwing masama ang panahon
Photo courtesy: Mark Balmores (MB)

Patuloy na iniinda ng mga Pinoy sa iba’t ibang parte ng bansa ang matataas na pagbaha dulot ng walang humpay na pag-uulan dala ng Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyo. 

Sa mga panahong ito, maya’t maya mapapanood, mapapakinggan, o mababasa sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)-Department of Science and Technology (DOST) ang color-coded rainfall warnings ng ilang lugar sa bansa.

Kasabay nito ay maririnig din ang nakabibiglang pag-ring ng mobile phones dahil sa emergency alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). 

Dahil dito, ano nga ba ang kahulugan ng color-coded rainfall warning at emergency alerts na ito? 

COLOR-CODED RAINFALL WARNING

Human-Interest

#BalitaExclusives: Student-cultural performer, nakatapos sa kolehiyo kahit nagtatrabaho

Tinatawag na “Heavy Rainfall Warning System,” inilalabas ito tuwing nagtutuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan sa iba’t iba parte ng bansa. 

RAINFALL ADVISORY
 Inilalabas ito kapag panahon ay nagdudulot ng “light to moderate” na pag-ulan na nagdudulot ng abala sa mga komunidad. 

YELLOW HEAVY RAINFALL WARNING 

Ito ang nag-aabiso ng posibleng pagbabaha sa mababang lugar at mga komunidad na malapit sa ilog. 

ORANGE HEAVY RAINFALL WARNING

Ipinapaalala rito ang pagbabaha sa ilang lugar at panganib ng landslide sa matataas na lugar. 

RED HEAVY RAINFALL WARNING 

Ito ang itinuturing na pinakamataas na rainfall warning dahil nagbababala ito ng matinding pagbaha sa maraming kalsada at mataas posibilidad ng landslides. 

TEXT ALERT 

Tinatawag din bilang “Emergency Alert and Warning Message” o EAWM, ito ay ipinadadala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko sa pamamagitan ng Short Message Service (SMS) para magbigay ng kaalaman sa mga panganib dulot ng sakuna. 

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ito ay hazard-specific, area-focused, at time bound kaya pumapasok ito sa mga numero lamang ng mga taong posibleng maapektuhan ng nagbabadyang sakuna. 

Para sa mga nagtataka kung bakit walang pumapasok na alert warning message sa kanila, narito ang mga posibleng dahilan ayon sa OCD: 

- Nakapatay ang emergency alert o cell broadcast ng mobile phone. 

- Walang emergency feature ang mobile phone. 

- “Out of coverage” ang phone o nakalagay sa isang “dead spot” nang nai-transmit ang alert warning message.