Binakbakan ng batikos si Kapamilya Primetime King Coco Martin matapos lumutang ang isang video clip kung saan ibinuking niya kung ilang taon ang partner niyang si Julia Montes noong mag-first move siya rito.
Sa X post ng netizen na may pangalang “Bimby” kamakailan, ibinahagi niya ang naturang video clip. Mapapanood dito na ikinuwento ni Coco ang simula ng love story nila ni Julia.
"Malalim 'yong pinagsimulan namin, e. Dahil nagkasama kami ni Juls noon, hindi pa sa ABS-CBN, may iba pang show. Bagets pa siya noon. 13-14," lahad ni Coco.
Dagdag pa niya, "Mga ano ako no'n, 21. Nagtangka ako no'n sa kaniya. Nagtangkang mambola. Na-reject ako. Tas after that, nagkita na kamin no'n sa 'Walang Hanggan.'"
Ang "Walang Hanggan" ay isang TV drama series na umere sa ABS-CBN noong 2012 kung saan nakasama nina Coco at Julia sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa, at marami pang iba.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Gross. To even use the world “nag tangka ako sa kanya” whilst giggling ?!"
"Sabi ni google 13 years age gap nila, so nasa mga 26 siya nun di 21 . Di ko lang sure kung accurate sabi ni google."
"I feel sad talaga for Julia. She could have been more kung hindi siya na-trap. Liza got out, but she didn't. Then people would say, 'Gusto din naman ni Julia;' she was a fcking child, and he was a fuck ass adult."
"What the fu ck amp proud pa . Eew…. Poor julia. Groomed fershure syempre ngayon ok nalang kasi adult na si julia but damn thats sad af she was only 13! Kadiri ai coco martin!"
"Wow. And they telling the story like it is like so romantic..."
" think may anak na dn tlga sila dinideny lang kc baka maexpose kung gaano sya kabata nung may nangyari sa knila, idk ah kc she was in the peak of her career tpos bigla na lang syang nawala"
"Thats why I never liked him."
"Correction he asked the mngt to cast Julia in walang hanggang."
"Luh waittt… Sorry pero bothering for me yung 13yrs old, ay gusto pornahan ng isang adult 21yrs old. Di mo man lang antayin nakatapos ng high school??? Buti hindi umobra ang moves mo."
"ewwwww.. Tapos yan iniidolo nyo"
Samantala, batay naman sa pagsusuri ng Balita, ang naturang video clip ay mula pa sa panayam kina Coco at Julia sa COCOJUL: The Online Exclusive noong Hulyo 31, 2021.
Matatandaang sa isang panayam ng TV Patrol noong Mayo 2023, inamin ni Coco na 12 taon na silang nagsasama ni Julia.
"Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati," anang aktor.
Dahil dito, binansagan ng ilang netizens na groomer umano si Coco matapos mapagtanto ang edad noon ni Julia nang ligawan siya ng aktor.
Bigla tuloy kumambyo si Julia sa isang hiwalay na panayam at sinabing wala naman daw silang inaanunsiyo tungkol sa real-score nila ni Coco.
Kalaunan, lumabas ang isang paglilinaw na ang tinutukoy raw ng Kapamilya Primetime King ay taon ng pagsasama nila sa industriya bilang magkatrabaho o working relationship, ayon kay ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe.
Maki-Balita: 'Nag-announce ba kami?' Julia 'nag-deny' raw sa relasyon nila ni Coco
Basahin: ‘Nagmamahalan lang naman!’ Ano ba ang ‘grooming’ at bakit ito itinuturing na ‘red flag?’