August 18, 2026

Home FEATURES Trending

Mga estudyante, sinuong rumaragasang baha sa Rizal

Mga estudyante, sinuong rumaragasang baha sa Rizal
Photo courtesy: Joseph Natividad (FB screenshot)

Sumugod sa rumaragasang baha ang dalawang estudyante sa San Mateo, Rizal noong Lunes, Agosto 17, sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng Habagat. 

Mapapanood sa viral Facebook reel ng netizen na si Joseph Natividad na isa sa mga estudyante ay paakyat sa Maly-Maarang Rd. habang ang isa naman ay padausdos na bumaba kasabay ng ragasa ng tubig. 

Makikita ring nababad na sa tubig-ulan at baha ang bag na bitbit ng estudyanteng nagbadyang akyatin ang kalsada. 

Sa pagtatapos ng naturang video, sinundan na lamang ng dalawang estudyante ang malakas na agos ng baha sa lugar nila. 

Sa hiwalay namang update ni Natividad sa Maly-Maarang Rd., binanggit niya sa caption na palagi umanong ganito kalakas ang pagragasa ng baha tuwing umuulan. 

Trending

#BalitaExclusives: Cobra, nahuli sa tapat ng isang eskwelahan sa Kawit; mga residente, umaasang isa lang ito!

Dagdag pa niya, may kasamang putik at bato ang baha dahil nanggagaling pa ito sa bundok. 

Panawagan ni Natividad, sana’y magawan ito ng paraan dahil sa badya nitong panganib.