August 18, 2026

Home BALITA National

De Lima, idiin 'bad side' ng socmed, video games dahil sa shooting incident sa Zamboanga

De Lima, idiin 'bad side' ng socmed, video games dahil sa shooting incident sa Zamboanga
Photo courtesy: Leila de Lima/FB, via MB


Ipinahayag ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima ang aniya’y masamang impluwensiya ng social media at video games sa mga kabataan, matapos maganap ang malagim na shooting incident sa junior high school campus ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) sa Barangay Tumaga nitong Martes, Agosto 18, kung saan sangkot ang isa umanong Grade 7 student.

MAKI-BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!-Balita

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Rep. De Lima nito ring Martes, kinuwestiyon niya ang dahilan sa likod ng pagkakapasok ng baril na ginamit sa loob ng school premises.

“Ano nang nangyayari?! Paano na naman naipasok ang baril sa paaralan? It’s very alarming that less than two months after the Tacloban school shooting, another act of violence like this has occurred,” panimula ni Rep. De Lima.

Aniya, “The bad side of social media and video games exerting pernicious influence on young people are now in full view. Forms of violence never seen before in our country. Urgent and effective safeguards are needed to prevent similar tragic incidents.”

Kasabay nito ang pakikiramay niya sa pamilyang naulila ng mga nasawing biktima—gayundin ang dasal para sa mga nasugatan sa insidente.

“Ang atin din pong  pakikiramay sa pamilya ng mga biktima, dalangin sa agarang paggaling ng mga nasugatan at panawagan para sa kinakailangang paggabay sa lahat ng mga apektadong mag-aaral, magulang, guro at kawani sa insidenteng ito,” pagtatapos ni Rep. De Lima.

Photo courtesy: Leila de Lima/FB screenshot

Sa kaugnay na ulat, nagkomento rin ang kapwa niya mambabatas na si Sen. Robin Padilla hinggil sa nangyaring school shooting incident.

“Alam n’yo mga kababayan, sana po ay manamnam ninyo ang gusto kong sabihin na hindi na po talaga maganda itong nangyayari. Napakapangit na po nitong nangyayari na ito,” ani Sen. Robin sa kaniya namang Facebook livestream.

MAKI-BALITA: 'Napakapangit na ng nangyayari! Sen. Padilla, idiniing social media ugat ng pamamaril sa Zamboanga!-Balita