August 18, 2026

Home BALITA National

'Pang-14 na ngayong 2026!' 'Neneng,' maliit ang tsansa na mag-landfall

'Pang-14 na ngayong 2026!' 'Neneng,' maliit ang tsansa na mag-landfall
PAGASA

Ibinalita ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bagama't naging bagyo na ang binabantayang low pressure area (LPA), at tinawag itong "Neneng," maliit ang tsansa nitong mag-landfall o tumama sa kalupaan. 

Si "Neneng" ang ikatlong bagyo ngayong Agosto, at pang-14 naman ngayong 2026. 

Sa 5:00 PM press briefing ng PAGASA, nabanggit na huling namataan ang bagyo sa layong 1,025 kilometers East of Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa ngunit asahan na mahihila nito ang southwest monsoon o habagat, na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa susunod na dalawang araw habang binabagtas ng bagyo ang Northern Philippine Sea. 

National

Diokno, nanawagang isabatas na ang Child Safety Against Gun Violence Act

Bukod sa bagyo, minomonitor din ng PAGASA ang isang LPA sa labas ng PAR, sa layong 480 kilometers West of  Calayan, Cagayan. Malaki ang tsansa nito na maging bagyo sa loob ng susunod na 24 na oras.

Pagdating sa galaw ng bagyo, patuloy nitong babagtasin ang Northern Philippine Sea hanggang sa maging malapit o mag-landfall ito sa Ryukyu Islands at northern Taiwan sa Huwebes, Agosto 20.