August 19, 2026

Home BALITA National

Diokno, nanawagang isabatas na ang Child Safety Against Gun Violence Act

Diokno, nanawagang isabatas na ang Child Safety Against Gun Violence Act
Photo courtesy: Chel Diokno/FB, via MB


Ipinapanawagan ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Kongreso at sa administrasyon ang pagsasabatas ng House Bill (HB) 10058, o ang “Child Safety Against Gun Violence Act,” kasunod ang naganap na shooting incident sa junior high school campus ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) nitong Martes, Agosto 18.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Rep. Diokno nito ring Martes, ipinaabot niya rin ang kaniyang pakikisimpatya sa mga biktima, pamilya ng mga ito, at maging sa buong komunidad ng AdZU.

“We extend our deepest sympathy to the victims, their families, and the entire Ateneo de Zamboanga University community,” saad ni Rep. Diokno sa kaniyang post.

Aniya, “Maraming tanong ang kailangang sagutin: Saan nakuha ng bata ang high-powered firearm? Ano ang ugat ng pangyayari? Sino ang nagkulang sa paggabay at pagbabantay?”

“Habang iniimbestigahan ito, kailangan din nating kumilos. Nananawagan tayo sa Kongreso at administrasyon na isabatas na ang Child Safety Against Gun Violence Act (HB 10058) upang mas maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa ganitong trahedya,” dagdag pa ng mambabatas.

Photo courtesy: Chel Diokno/FB screenshot


Kaugnay nito, idiniin naman ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima ang aniya’y masamang impluwensya ng social media at video games sa mga kabataan, kasunod ang nasabing insidente.

“The bad side of social media and video games exerting pernicious influence on young people are now in full view. Forms of violence never seen before in our country. Urgent and effective safeguards are needed to prevent similar tragic incidents,” anang mambabatas.

MAKI-BALITA: De Lima, idiin 'bad side' ng socmed, video games dahil sa shooting incident sa Zamboanga-Balita

Inirerekomendang balita