Naglabas ng opisyal na pahayag ng kalungkutan at pakikiramay si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa mga pamilya ng mga nasawi at iba pang naapektuhan ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School nitong Martes, Agosto 18.
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Angara na labis siyang nalungkot sa insidente, lalo na bilang isang ama.
“I am deeply saddened by this morning’s shooting at the Ateneo de Zamboanga University Junior High School.”
Aniya, nakikiramay siya sa mga pamilyang nagluluksa gayundin sa mga guro, mag-aaral at school personnel na nakaranas ng insidente.
“As a father, my heart goes out to the parents who are grieving today. My sympathies are likewise with all the families affected by this tragedy, as well as the teachers, learners, and school personnel who experienced this terrible incident.”
Kasunod ng insidente, inatasan ni Angara ang DepEd Regional Office IX na makipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan at iba pang kinauukulang awtoridad upang matiyak ang kinakailangang tulong sa mga naapektuhan.
Kabilang dito ang pagbibigay ng psychosocial support sa mga mag-aaral, guro at kanilang mga pamilya.
“The Department of Education has directed its Regional Office IX to coordinate with the school and other concerned authorities and to make psychosocial support available to affected learners, teachers, and families as needed. Whether public or private, they are our learners.”
Ayon sa mga ulat, dalawang estudyante ang nasawi sa insidente, kabilang ang pinaghihinalaang suspek. May iba ring naiulat na nasugatan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang buong pangyayari at kung paano nakakuha ng baril ang isang menor de edad at naipasok ito sa loob ng campus.
Binigyang-diin ni Angara na mahalagang matukoy kung paano napunta sa kamay ng isang menor de edad ang mga baril at kung paano naipasok ang mga ito sa loob ng paaralan.
“We will await the findings of the investigation, especially on how the firearms came into the possession of a minor and was brought onto a school campus, so that we can learn from this tragedy and help prevent similar incidents in other schools.”
Ayon sa mga ulat, iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng mga armas at kung paano nakapasok ang mga ito sa campus.
Kasabay nito, nanawagan si Angara sa publiko na huwag nang magpakalat ng mga video, larawan at hindi beripikadong impormasyon tungkol sa insidente.
“I also appeal to the public to refrain from circulating videos, photographs, or unverified accounts of the incident. Minors and grieving families are involved, and their privacy and dignity deserve our protection.”
Nauna nang umapela ang DepEd sa publiko, media at content creators na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon kaugnay ng insidente, lalo na dahil may mga menor de edad at nagluluksa ngayong mga pamilya na maaaring higit pang maapektuhan ng pagkalat ng sensitibong content.
Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nakikipag-ugnayan ang DepEd sa paaralan at iba pang kinauukulan para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral at school personnel.
Maki-Balita: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!
Maki-Balita: Erpats ng suspek sa pamamaril sa AdZU, sinuspinde sa puwesto!
Maki-Balita: Ateneo de Zamboanga University, nagsalita sa shooting incident
Maki-Balita: DepEd, naalarma sa school shooting incident sa Zamboanga!