Sinuspinde ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y ama ng namaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) na opisyal ng port police.
Matatandaang nangyari ang shooting incident sa loob ng junior high school campus ng AdZU nitong Martes, Agosto 18.
Maki-Balita: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!
Ayon sa mga ulat nito ring Martes, kinumpirma ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Bendijo ang suspensyon ng erpat ng suspek.
Sasailalim umano ito sa imbestigasyon at pananagutin sa posibleng pagkakasangkot nito sa naturang insidente.
Dalawa ang kumpirmadong nasawi sa pamamaril, kabilang na ang mismong anak ng customs police na isang Grade 7 student.
Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng AZdU hinggil dito gayundin ang Department of Education (DepEd).
Maki-Balita: Ateneo de Zamboanga University, nagsalita sa shooting incident
Maki-Balita: DepEd, naalarma sa school shooting incident sa Zamboanga!