August 18, 2026

Home FEATURES Trending

'Commuter life?' Bus na bumiyahe sa Roxas Boulevard, pinasok ng baha

'Commuter life?' Bus na bumiyahe sa Roxas Boulevard, pinasok ng baha
Photo courtesy: Andrei Gaboro (TikTok screenshot)

Mainit na pinag-usapan sa social media ang pampublikong bus na bumiyahe sa Roxas Boulevard na pinasok ng baha noong Lunes, Agosto 17, sa kasagsagan ng tuloy-tuloy na ulan dulot ng Habagat. 

Sa viral TikTok reel ng netizen na si Andrei Gaboro, mapapanood na inangat na niya at ng mga kapwa pasahero ang mga paa nila para hindi maabot ng rumaragasang tubig-baha, na pumasok sa loob ng bus kahit nakasara ang mga pinto nito. 

Makikita rin sa naturang video na nasa ibaba ng Buendia Flyover ang sinakyang nilang bus nang madaan sila sa mataas na baha, na nagdulot na rin ng matinding trapiko.

Habang isinusulat ang artikulong ito, pumalo na sa 325K reactions ang reel. 

Sa kabilang banda, mababasa sa comment section ang pagkadismaya ng maraming netizens. 

Trending

Mga estudyante, sinuong rumaragasang baha sa Rizal

“Grabe kung di pa tayo galit bakit?!”

“mapapaisip ka na lang talaga kung worth it pa ba ang pag deduct ng tax”

“sana maisip ng iba sa atin na walng magagawa ang sino mang nakaupong politiko sa baha kung patuloy tayong niloloko at ninanakawan , may mas malaking problema ang pilipinas,yun ang WALANG PAGKAKAISA NG MGA PILIPINO.”

“galit kayo sa baha pero di pa rin bumoboto ng tama ”

“Tapos next election iboto pa din natin yung mga magnanakaw ano? ”

“Where our taxes goes”

“Don't let the issue of FLOOD CONTROL die.”

“We do not deserve this ”

“huwag tayong tumigil magalit sa mga korap at palpak na opisyal ng gobyerno!!!”