Naging mainit sa mga mata ng netizens ang courtside reporter na si Apple David dahil sa pag-hard launch niya ng relasyon sa boyfriend na si Letran student-athlete, Chad Gammad, kamakailan.
Aniya noong Marso sa netizens na kumukwestiyon sa kanilang relasyon, “masama bang bigyan ng chance? Nag-click, eh. What am I supposed to do?”
MAKI-BALITA: 'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos
Kuwento pa ni Apple, “Baby” raw ang tawagan nila ni Chad kahit na nasa pampublikong lugar o kaya’y kaharap ang coaches at teammates nito sa basketball.
Kaya deretsahang akusasyon ng maraming netizens, “groomer” si Apple dahil bagama’t siya ay 34-anyos na, nakipagrelasyon pa rin siya sa 18-anyos na si Chad.
DAHIL DITO, ANO ANG BA ANG KAHULUGAN NG “GROOMING” KONTEKSTO NG PAKIKIPAGRELASYON?
Ayon sa Center For Violence Prevention And Self Defense (CVPSD), ang “grooming” ay isang manipulative process na ginagamit ng sexual predators upang makapang-abuso ng kaniyang mga biktima, na kadalasan ay mga menor de edad o mga indibidwal na nasa bulnerable o sensitibong estado.
Saad naman ng National Society for the Prevention of Cruelty to Children (NSPCC), ang grooming ay unang isinasagawa ng “offender” o sexual predator sa pamamagitan ng pagkuha ng tiwala ng target na indibidwal o menor de edad, at minsan, kasama rin dito ang mga kaanak nito.
SAAN ITO PUWEDENG MANGYARI?
Ang grooming ay maaaring mangyari kahit saan, kabilang ang mga sumusunod, ayon sa NSPCC:
- Online world
- Mga organisasyon
- Mga pampublikong lugar
Sa dagdag pag-aaral ng NSPCC, kadalasan, ang isang menor de edad o indibidwal ay walang kaalaman na siya na nasa ilalim na ng grooming dahil sa mga sumusunod na posibilidad:
- Naniniwala silang inaalagaan at minamahal sila ng groomer.
- Natatakot sa anong maaaring gawin ng groomer kapag sila ay nagsumbong o nagsalita.
- Nahihiyang ibahagi sa ibang tao ang nabuong relasyon.
ANG MGA SUMUSUNOD NAMAN ANG “RED FLAGS” O SENYALES NG GROOMING, AYON SA NATIONAL CHILDREN’S ALLIANCE (NCA):
- Labis na pagbubuhos ng mga luho at regalo o atensyon sa isang menor de edad o indibidwal.
- Labis na physical contact sa menor de edad o indibidwal.
- Sexual o “green” jokes
- Pagsilip habang nagbibihis ang menor de edad o indibidwal.
- “Isolation tactics” o pagtuturo sa isang menor de edad o indibidwal na lumayo sa ilang partikular na tao o grupo.
PAANO MATUTULUNGAN ANG GUARDIANS O MGA MAGULANG NA MAILAYO ANG MGA ANAK SA PANGANIB NG GROOMING?
Ayon sa NCA, mahalaga na maging mapagmatyag ang guardians o mga magulang sa ikinikilos ng kanilang mga anak.
Gayundin ang pagpapatatag ng komunikasyon sa kanila habang maigi silang pinakikinggan upang maayos na makapagsagawa ng naaayon na training at safety checks sa mga ito.
Sa iba’t ibang pag-aaral, itinuturo na ang grooming ay maaaring mangyari sa likod ng mga inosenteng salita o kilos at sa pagkakaroon ng maagap na obserbasyon sa mga paunang senyales nito, mas mapoprotektahan ang anak mula sa mga panganib na dulot nito.