May 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos

'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos
Photo Courtesy: Apple David, Chad Baccay Gammad (FB)

Usap-usapan ang pagkakaroon ng relasyon ng 34-anyos na courtside reporter na si Apple David sa 18-anyos na basketball player na bahagi umanong Letran Knights. 

Sa isang Facebook post kasi ni Apple kamakailan, ibinahagi niya ang larawan nila ng misteryosong lalaki habang nakalapat ang tugtog na “Daddy’s Home” bilang background music.

“#OhApple” saad niya sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Private but. Not secret "

Tsika at Intriga

Catriona Gray, happy sa lovelife?

"Paano na Ang kapithbahay ko Niyan miss apple HAHA"

"Saka nalang madam apple pag sure ka na hahaha!!"

"Choice nya yan , hayaan nyo unfollow nyo nalang kung gusto ninyo , d naman Yan siguro kapos sa pera ng mag hanap ng PBA player na mapera ..."

"Sayang unfollow na kita miss apple Kawawa si manok namin sorry bye"

"Ichachat ko na si Xian Gaza kapag di pa nireveal ni madam " 

"Confirmed! Bagets nga bet ni Apple. Chad Gammad ng NCAA Letran. Okay na sana kahit namili ka nalang kay Abai, Rey or Caelen. Lumayo kpa. Well, sana yan na forever mo po. All the best. " 

Samantala, kinuwestiyon naman si Apple ng netizens sa kaniyang TikTok live kamakailan kung bakit hindi siya pumili ng makakarelasyong kaedad niya. 

Aniya, "Masama bang bigyan ng chance? Nag-click, e. What am I supposed to do?" 

Pero sa kasalukuyan, wala pa namang kinukumpirma o tinatanggi si Apple. Hindi rin niya binabanggit ang pangalan ng mystery guy sa buhay niya.

Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.