Ibinahagi ng aktor na si Eric Fructuoso ang ilang mga detalye sa kaniyang buhay-artista hanggang sa magkaroon na rin ng sariling negosyo, pamilya, at weight loss journey kay "Unang Hirit" host at GMA news personality Susan Enriquez, sa vlog version ng "Kay Susan Tayo!" ng GMA Public Affairs.
Isa nga sa nakakalokang ibinahagi ni Eric ay ang pinag-usapang pagbabawas niya ng timbang, na nauna na niyang ibinahagi sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 13.
Tila bumalik nga ang kilig ng mga tagahanga kay Eric, na kilalang miyembro ng trio na "Gwapings" noong 90s, kasama sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez.
Aniya, “It takes DISCIPLINE, SACRIFICE, EFFORT, FOCUS, and DETERMINATION. Saying NO to birthday parties, inuman, tambay etc basically anything that does not align with my goal. Set aside activities, sports, stressful work, and toxic people that did not benefit my well-being.”
“Focused on happiness and peace of mind. Investing on my health with the right peptides and supplements. You have to want it. You have to make a choice. Binigay ng Diyos ang awa, na sa atin na lang ang gawa,” dugtong pa ni Eric.
Maki-Balita: Eric Fructuoso, ibinida resulta ng pagtanggi sa mga walwalan
At sa kasalukuyan nga, kitang-kita naman ang pagbawas ng timbang ni Eric batay sa recent interview sa kaniya.
Naungkat nga ni Susan ang pag-abot ni Eric sa timbang na 100kg noong 2025. Ayon kay Eric, umabot daw siya ng 220 pounds o 99.79kg na rin, na dumating na raw sa puntong kailangan na niyang tumingin sa salamin para makita ang ari.
"Bakit umabot ka sa ganoong weight?" untag ni Susan.
Sagot naman ni Eric, "Sarap kumain, tapos umiinom pa ako no'n lagi. Tapos walang exercise. So 'yon, grabe 'yong taba ko no'n, wala nang magkasyang mga damit, so bumibili kami, walang kasya sa aking pantalon."
"Umiiyak ako sa fitting room. Paano ba 'to nangyari sa akin? Sa kama, para akong pagong, hindi makatayo, ganun na, saka yung kailangan mo nang tumingin sa salamin para makita mo na 'yong bird mo," natatawang sabi ni Eric na ikinatawa naman ni Susan.
Doon na nga raw niya napagtantong tila dumaraan na siya sa depresyon dahil sa malaking pagbabago sa timbang niya.
"I made a decision na ayusin na lahat," aniya.
Doon na raw siya naipakilala sa paggamit ng "peptides" na ang laking tulong daw sa kaniya.
"Kasi I was so desperate to lose weight, na-injure na nga tuhod ko eh, because pinilit kong magbasketball," aniya.
Ayon sa "WebMD," ang peptides ay Ang peptides ay mga amino acid na nagsisilbing pangunahing sangkap ng mga protina sa katawan. Gumagana ang mga ito bilang mga natural na "mensahero" na nag-uutos sa mga selula kung ano ang dapat nilang gawin. May iba't ibang uri ng peptides na natural na gumagabay sa mga proseso ng katawan tulad ng panunaw, pagpapalaki ng muscle, pagkontrol ng timbang, at pagtulog.