August 29, 2026

Home BALITA

Mayor Robredo, sinita post ni Atty. Guanzon

Mayor Robredo, sinita post ni Atty. Guanzon
Photo Courtesy: Leni Robredo (FB)

Iwinasto ni Naga City Mayor at dating Vice President Leni Robredo ang kumakalat na post sa social media kung saan sangkot ang lungsod na pinagsisilbihan niya.

Sa latest Facebook post ni Robredo nitong Sabado, Agosto 29, makikita ang screenshot ng isang Redditor na ginatungan ang X post ni Atty. Rowena Guanzon tungkol sa empleyado ng city hall na nang-abuso umano sa isang vendor.

"Does the mayor of Naga know that his employee is abusive to vendors?" ani Atty. Guanzon. "A Naga resident sent me a message." 

Sabi naman ng Redditor, "Sobrang power tripper!!! Nakakagalit lalo 'yong kapwa nasa laylayan yung may lakas ng loob mang-ganyan. Sobrang apathetic." 

Ngunit ayon kay Mayor Robredo,  nangyari daw ang insidente 3 o 4 na taon na ang nakalilipas. 

Metro

Lalaking nanaksak, nakilala matapos maiwan tsinelas sa crime scene!

“FYI, this happened 3-4 years ago. I wasn’t Mayor of Naga yet. We will never tolerate anything of this sort to happen during my watch,” anang alkalde.

Matatandaang si Atty. Guanzon ay dating tagasuporta ni Mayor Robredo sa kandidatura nito bilang Pangulo noong 2022 presidential elections.

Ngunit matapos ianunsiyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siyang Pangulo para sa 2028 presidential elections, tuluyan nang inihanay ni Guanzon ang sarili sa mga Duterte.

Maki-Balita: Gobyerno ngayon, 'puro magnanakaw' banat ni Guanzon; suportado si VP Sara sa 2028