May 22, 2026

Home BALITA National

Gobyerno ngayon, 'puro magnanakaw' banat ni Guanzon; suportado si VP Sara sa 2028

Gobyerno ngayon, 'puro magnanakaw' banat ni Guanzon; suportado si VP Sara sa 2028
Photo courtesy: Screenshot from City Government of Davao/MB File Photo

Iginiit ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon na sa tagal niya sa politika, ngayon lamang daw siya nakakita ng isang gobyernong talamak ang korapsyon, sa kaniyang pahayag sa Araw ng Dabaw nitong Sabado, Marso 28.

Kaya naman, buo raw ang suporta niya sa kandidatura ni Vice President Sara Duterte sa pagkapangulo ng bansa sa 2028, na nauna nang nag-anunsyo ng kaniyang intensyon ng pagtakbo.

Maki-Balita: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!

"Ilang taon na ko sa politika, sa tiyan pa lang ng nanay ko, 67 years old na 'ko ngayon, politiko na 'ko. Wala pa akong nakita na gobyerno na ganito, puro kamagnanakaw!" banat ni Guanzon.

"Mga kawatan! Ang kailangan ng Pilipinas, reporma! Zero corruption! Zero tolerance. That's why this early, I already commit my support to you, Vice President Sara Duterte, whether I run for senate or not. I am going to campaign as I am campaigning now for Sara Duterte to be the next president of the Philippines," aniya pa.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Matatandaang nagpahayag na rin ng kaniyang intensyong tumakbo sa pagkasenador si Guanzon sa 2028.

Maki-Balita: Guanzon, tatakbong senador sa 2028!