August 15, 2026

Home BALITA National

DSWD, nakatanggap ng 400 metric tons na bigas mula South Korea

DSWD, nakatanggap ng 400 metric tons na bigas mula South Korea
Photo courtesy: DSWD (FB)

Tumanggap ng 400 metriko toneladang bigas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa South Korea noong Biyernes, Agosto 14. 

Sa pahayag ng DSWD nitong Sabado, Agosto 15, binanggit na gagamitin ang mga karagdagang suplay ng bigas sa produksyon ng family food packs (FFPs) na maaari nilang maipamigay sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at iba pang kalamidad. 

Dagdag pa ng DSWD, matitiyak din ng donasyong ito na may sapat na suplay ang disaster hubs sa bansa, na makatutulong sa tuloy-tuloy na produksyon ng relief supplies para sa mga mangangailang komunidad. 

Sa hiwalay na update ng DSWD as of 6:00 PM noong Biyernes, umabot na sa 812,925 FFPs ang naipamigay nila sa mga naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Luis at Maymay. 

Kasama rito ang 16, 869 ready-to-eat-food (RTEF) boxes at 9,999 non-food items (NFIs). 

National

Guidelines sa tamang pasahod sa Agosto 21, 31 ibinaba ng DOLE

Bahagi ito ng augmentation request mula sa local government units (LGUs) para sa mga pamilyang naapektuhan sa mga sumusunod na lugar: 

- National Capital Region (NCR)

- Cordillera Administrative Region (CAR)

- Ilocos Region

- Cagayan Valley

- Central Luzon

- CALABARZON

- MIMAROPA

- Bicol Region

- Western Visayas

- Zamboanga Peninsula