August 27, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Netizens, na-wow mali! Ultrasound ni Matteo, inakalang kay Sarah na

Netizens, na-wow mali! Ultrasound ni Matteo, inakalang kay Sarah na
Photo courtesy: Matteo Guidicelli (IG)

Na-excite ang fans, followers, supporters, at netizens nang magpasilip ang aktor-TV host na si Matteo Guidicelli ng isang video clip, kung saan makikita ang isang monitor na nagpapakita naman ng ultrasound.

Sa social media post ni Matteo, inakala ng mga netizen na ang ultrasound ay sa misis niyang si Popstar Royalty Sarah Geronimo, at baka hint na buntis na ito sa panganay nila.

Pero saglit lang pala ang kasiyahan at excitement ng fans dahil si Matteo pala ang nagpa-ultrasound.

Patikim ang video clip para sa kaniyang vlog na "Matteo G Primetime."

Nahopya tuloy ang mga netizen dahil akala nga nila, soft launch na ito ni Matteo na preggy na ang misis.

Tsika at Intriga

'Nilaro niya talaga 'ko!' Mikee Quintos, nainis kay Sassa Gurl dahil sa 'thesis issue'

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Hahahahahahahah potek naisigaw ko pa buntis si Sarah G dito sa office, tapos biglang lumabas si Mateo hahaha."

"Matteo!! I almost shrieked because I thought it was Sarah!!!"

"feeling ko preggy na si sarah. kasi di naman nila papaglaruan ang feelings natin hahaha!"

"popsters almost had a heart attack"

"Ohmygashhh!! Muntij na ko mapasigaw !!!"

Matatandaang ikinasal sina Sarah at Matteo sa pamamagitan ng civil wedding sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig noong Pebrero 20, 2020.

Nakaabang na ang "Popsters," tawag sa fans ni Sarah, kung kailan iaanunsyo ng mag-asawa ang kanilang pagbubuntis.

Kamakailan lamang, kumalat ang mga espekulasyong nagdadalantao na ang singer-actress, pero hindi naman ito kinumpirma ng mag-asawa.

Maki-Balita: Matteo kay Sarah: 'Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life'