July 17, 2026

Home BALITA

Marcoleta, ‘di matatakasan ang hustisya kahit gamitin pa ang EDSA—Akbayan

Marcoleta, ‘di matatakasan ang hustisya kahit gamitin pa ang EDSA—Akbayan
Photo Courtesy: Akbayan (FB), via MB

Nagpaabot ng mensahe ang Akbayan Party-list para kay Sen. Rodante Marcoleta, na ang mga tagasuporta ay nag-organisa ng “surprise rally” sa EDSA People Power Monument noong Martes, Hunyo 30. 

Ito ay matapos ianunsiyo ng Ombudsman na binabalak nilang kasuhan ng plunder si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa umano’y pagtanggap nito ng ₱75-million campaign donation noong 2025 elections.

Maki-Ballita: Ang kasalanan ko lang ay paglingkuran kayo—Marcoleta 

Sa isang Facebook post ng Akbayan nitong Miyerkules, Hulyo 1, sinabi ng Akbayan na kahit bitbitin pa umano ni Marcoleta ang mga tagasuporta nito ay hindi nito makukuha ang legasiya ng EDSA. 

“You may bring your supporters to EDSA, but you cannot claim its legacy. EDSA is defined not by geography but by principle,” saad ng Akbayan.

Nurse, sinaksakan ng tae swero ng pasyente niya!

Dagdag pa nila, “It belongs to those who fought tyranny, corruption, and impunity, not to those seeking refuge from accountability. You may temporarily occupy EDSA, but you will never inherit its meaning or use it to escape justice.”

Samantala, naghayag na rin ng pagtutol ang organizers ng Trillion Peso March na Tindig Pilipinas sa ikinasang kilos-protestang isinagawa ng mga supporter ni Marcoleta na ang kalakhan ay miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Anila, sa bansang  nasa ilalim ng constitutional democracy, wala dapat pampublikong opisyal na nag-oorganisa ng malawakang pagkilos para lang harangin ang pagpapatupad ng batas.

Maki-Balita: Tindig Pilipinas, kinuwestiyon ang INC rally