August 13, 2026

Home BALITA National

Sen. Erwin, nagpasalamat kina PBBM at VP Sara sa pagbati sa birthday niya

Sen. Erwin, nagpasalamat kina PBBM at VP Sara sa pagbati sa birthday niya
Photo courtesy: MB File Photo

Nagpasalamat si Sen. Erwin Tulfo kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte matapos siyang padalhan ng mga ito ng birthday greetings.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Tulfo ang kainyang pagpapahalaga sa pagbati at pag-alala sa kanya ng dalawang lider ng bansa.

“Maraming salamat po Pangulong Bongbong Marcos at Bise-Presidente Sara Duterte, sa inyong pagbati sa aking kaarawan,” ani Tulfo.

Ayon sa senador, ipinagpapasalamat niya ang mensaheng ipinadala sa kaniya nina Marcos at Duterte at hiniling niyang patuloy na pagpalain ang mga ito sa kanilang pamumuno.

“Pinapahalagahan ko po ang pagbati at pag-alala ninyo sa akin. Nawa’y pagpalain pa po kayo sa pamumuno sa ating bayan,” saad niya.

National

Photo op lang? Palasyo, dismayado sa ilang TUPAD beneficiaries na pinepeke paglilinis

Batay sa mga larawang ibinahagi, kapwa nagpadala sina Marcos at Duterte ng personal na mensahe ng pagbati kay Tulfo.

Sa liham ni PBBM, binigyang-diin ang kaniyang dedikasyon, kabaitan at patuloy na paglilingkod sa mga Pilipino. Samantala, sa mensahe ni VP Sara, hiniling nito ang patuloy na pagpapala at lakas para kay Tulfo habang ipinagpapatuloy nito ang paglilingkod sa bayan.

Ipinahayag naman ni Tulfo ang kahandaan niyang makipagtulungan sa dalawang opisyal sa abot ng kaniyang makakaya bilang miyembro ng Senado, kahit na sa kasalukuyan, hindi maayos ang relasyon ng dalawa.

“Handa po akong makipagtulungan sa inyo sa abot ng aking makakaya, bilang bahagi ng Senado. Muli, salamat po PBBM at VP Sara. Mabuhay po kayo!” ani Tulfo, na isa sa mga senador-judge sa impeachment trial kay VP Sara.