August 14, 2026

Home BALITA Internasyonal

Higit 100 Pinoy, inaresto sa China; DFA, nakikipag-ugnayan na!

Higit 100 Pinoy, inaresto sa China; DFA, nakikipag-ugnayan na!
DFA/FB, MB FILE PHOTO

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Agosto 13, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga tanggapan ng Pilipinas sa China para beripikahin ang ulat na inaresto umano ng mga awtoridad ng China ang mahigit 100 Pilipino. 

Ayon sa pahayag ng DFA, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Beijing at sa Consulate-General ng Pilipinas sa China upang alamin ang mga detalye sa likod ng mga pag-aresto, ang eksaktong bilang ng mga Pilipinong dinakip, at ang kanilang kasalukuyang kalagayan.

“The Department of Foreign Affairs takes note of the statement issued by the Chinese Ministry of Foreign Affairs concerning the arrest of over 100 Filipino nationals in China,” saad ng DFA.

Ayon sa DFA, titiyakin nilang masusunod ang due process at magbibigay ng consular assistance sa mga apektadong Pilipino kung kinakailangan.

Iginiit ng ahensya na iginagalang ng Pilipinas ang pagpapatupad ng China ng kanilang immigration laws. 

Internasyonal

Walang Pinoy na nasawi, nasaktan sa magnitude 7.4 lindol sa Colombia—PH Ambassador

"The Philippines respects China’s sovereign right to enforce its immigration laws, as it does the right of every state to enforce its own laws on foreign nationals within its jurisdiction, in accordance with due process and established legal procedure," anang DFA.

Kasabay nito, nanawagan ang DFA sa mga awtoridad ng China na siguraduhin ang kapakanan ng mga inarestong Pilipino at agad na ipagbigay-alam sa mga tanggapan ng Foreign Service ng Pilipinas ang kanilang pag-aresto at pagkakadetine.

"At the same time, we call on Chinese authorities to safeguard the welfare of the arrested Filipinos and to promptly notify our Foreign Service Posts of their arrest and detention, consistent with the Vienna Convention on Consular Relations and the 2013 Philippines-China Consular Agreement."