August 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Viral 69-anyos na lolang nag-college entrance exam, AB Journalism student na!

Viral 69-anyos na lolang nag-college entrance exam, AB Journalism student na!
Photo courtesy: DepEd Philippines (FB)

Patunay na walang pinipiling edad ang pag-aaral matapos maging usap-usapan ang isang 69-anyos na lola mula Rizal matapos mag-viral ang kaniyang larawan habang kumukuha ng college entrance examination.

Sa pagbida sa kaniya ng Department of Education (DepEd), kinilala ang senior citizen bilang si Lolita Escal, na hindi hinayaang maging hadlang ang edad sa pagpapatuloy ng edukasyon at pagsunod sa kaniyang pangarap.

Noong 2019, nag-enroll si Escal bilang learner sa Alternative Learning System (ALS). Sa halip na doon na lamang magtapos, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral hanggang sa makompleto ang Senior High School (SHS).

Matapos ang pag-aaral sa SHS, nagpatuloy si Escal sa kolehiyo upang mas mapalapit sa isa sa kaniyang matagal nang pangarap—ang maging mamamahayag.

Sa kasalukuyan, isa na siyang 3rd Year AB Journalism student sa University of Rizal System sa Angono.

Human-Interest

Totoo bang mas malikhain ang mga kaliwete?

"Ang kuwento ni Lola Lolita ay patunay na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng mga pangarap, at hindi kailanman huli para matuto at magsimula muli," saad ng DepEd.

Nagdulot naman ito ng inspirasyon sa mga netizen.

"ang tagumpay ay walang pinipiling edad, naiwan tayo ng college train Nay Lolita, pero patuloy tayo sa pagaaral kahit anong mangyari, 50 years old na ako at maggraduate na ako sa college next year ngayon ay fourth year na ako, at itutuloy ko itong pangarap kong maka tapos. God Bless sa atin."

"Super nakaka proud si lola, 'di talaga hadlang ang edad sa tao pag may pangarap. Isa din 'tong mahalagang halimbawa na dapat tularan at sundan ng mga kabataan."

"Wala sa edad kung may pangarap ka sa buhay"

"Als graduate din po ako, at naging dean's lister pa sa 1st year college, kaya ok lang ang mahalaga may na tutunan sa pag aaral. Ngayon nasa second year college na po ako."

Congratulations, Nanay Lolita!